Basahin ang buod ng Rama at Sita, isang epiko.
BUOD NG RAMA AT SITA – Ito ay isang epiko na Hindu na tinatawag na “Ramayana” at sila ang mga pangunahing tauhan. Basahin ang buod nito na nasa ibaba.
Mayroong dalawang uri ng panitikan – Akdang Prosa at Akdang Patula. Sa Akdang Patula, ay nauuri ang Tulang Pasalaysay kung saan isa sa mga uri nito ay epiko. Ang epiko ay uri ng panitikan na nagtatalakay ng mga kwento tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali. At sa Pilipinas, isa sa mga tanyag na epiko ay ang “Ramayana” kung saan ang mga pangunahing tauhan ay sina Rama at Sita.
Si Rama ay isang prinsipe at ang pinakamahalagang tauhan ng epiko. Ang kanyang ama ay si King Dasharatha at bilang isang anak ng hari, siya ang tagapagmana ng kaharian ng Ayodhya. Siya ay matapang, marangal, at matapat.
Sa kabilang banda, si Sita ay ang asawa ni Rama at isang prinsesa mula sa kaharian ng Videha. Siya ay mabuti, mababa ang loob, at tapat sa kanyang asawa. Ang sentro ng kwento ay nagsimula nang siya ay dukutin ni Ravana, ang hari ng Lanka. Naglakbay si Rama para siya ay mailigtas.
Narito ang buod ng epikong ito:
Sina Rama, Sita at Lakshamanan ay itinapon ng kaharian ng Ayodha at nakatira na sa isang gubat. Isang araw, ay binisita sila ng isang babae na hindi nila nilalamang ang tunay niyang anyo ay si Surpanaka, ang kapatid ng hari ng mga higante at demonyong si Ravana. Nais niya itong mapakasal kay Rama subalit tumanggi si Rama sapagkat kasal na siya kay Sita.
Sa selos at galit ay naging malaking higante si Surpanaka at nilundag si Sita para patayin. Subalit, naligtas si Sita ni Rama at pareho silang lumayo kay Surpanaka. Iniutos ni Rama si Lakshamanan na patayin si Surpanaka, kaya nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. Nang nakita ni Ravana ang itsura ng kanyang kapatid, nagsinungaling si Surpanaka para gantihin si Rama at bihagin ni Ravanna si Sita.
Tinawag ni Ravanna si Maritsa, isang nagbabagong-anyo, para utusang gantihin si Rama. Nang nalaman ni Marits ay tumanggi sapagkat nalaman niyang kakampi ng mga Diyos si Rama at Lakshamanan kaya gumawa sila ng plano. Isang araw nakita ni Sita ng isang gintong usa at inutusan niya si Rama at Lakshamanan na hulihin ang usa.
Inutusan ni Rama si Lakshamanan nga bantayin si Sita habang hinuhuli niya ang usa. Agad na tumakbo ang usa nang marinig ang sinabi ni Rama kaya hinabol ni Rama ang usa. Nang makalipas na hindi bumalik si Rama ay inutusan ni Sita si Lakshamanan na hanapin si Rama. Hindi nila nalaman na naghihintay si Ravana sa labas at nagpanggap na isang matandang Brahmin.
Sa hindi pagpigil na bihagin si Sita ay nagsabi siya na “bibigyang kitang limang libong alipin at gagawin kitang reynang Lanka”. Agad natakot si Sita at itinulak si Ravana. Naging higante si Ravana at kinuha si Sita at binihag. Nagdagdag ng bulaklak si Sita upang makita ni Rama at Lakshamanan. Sa itaas ng bundok ay narinig ng agila ang sigaw ni Sita. Nagtangkang iligtas ng agila si Sita pero tinagak siya ni Ravana. Nang makita ni Rama ang agila, sinabi niya na nabihag ni Ravana si Sita.
Sa tulong ng mga unggoy ay lumusob si Rama sa kaharing Lanka. Lumaban si Rama at Ravana at nagwagi si Rama sa huli. Nagyakap si Rama sa kanyang asawa.