Dahilan Ng Pananakop Sa Pilipinas – Bakit Tayo Sinakop Ng Espanya?

Ano ang mga layunin at dahilan ng pananakop sa Pilipinas ng mga Espanyol?

DAHILAN NG PANANAKOP SA PILIPINAS – Ito ang layunin ng mga banyaga kung bakit at paano naging kolonya nila ang ating bansa.

Ano ang kolonyalismo? Ito ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa isa pang bansa para kuhanin ang yaman nito at iba pa nilang mga kailangan. Kinokontrol nila ang bansang sinakop mula sa mga lugar nito at mga mamamayan. Isang paraan ang pananakop para mapalawak ang kanilang mga lupain.

Daang-daang taon na sinakop ng mga banyaga ang Pilipinas at ang kanilang mga impluwensya sa ating kultura at pamumuhay ay nanatili hanggang ngayon. Sa kasaysayan, ang mga Espanyol ang may pinakamatagal na kolonisasyon sa bansa at ang ibang mga lahi na nanatili sa bansa ay ang mga Hapon at Amerikano.

Dahilan Ng Pananakop Sa Pilipinas

Ano ang mga dahilan at layunin ng Espanyol para sakupin ang Pilipinas?

  • Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang paghanap ng mga iba’t ibang mga pampalasa. Mahalaga sa mga taga-Europa ang mga rekado tulad ng paminta, luya, sili, bawang, at oregano.
  • Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isa rin sa mga pangunahing layunin ng mga Espanyol. Layunin nila na ituro at ipalaganap ang relihiyon at kanilang mga paniniwala sa mga tao para sa huli ay maging tapat na alyansa nila tayo. Nais nilang magparami ng mga naniniwala sa Katolisismo.
  • Sa kanilang pagsakop, naipakita rin nila sa mundo ang kanilang kapangyarihan. Naipakita nila sa ibang nasyon na sila ay may mga makabagong kagamitan sa pananakop at pagsasaliksik.
  • Ang paggalugad at pagtuklas ay isang paraan na kanila ring nakikita para mapalawak ang kanilang nasasakupan o kolonya. Ang dating ruta rin ay nasakop na ng mga Muslim na Turko. Ang pananakop na ito ay nagdulot ng pagpataw ng mataas na buwis at ang mga Italyanong mangangalakal mula sa Genoa, Venice, at Pisa lamang ang makakadaan.

Noong 1519 nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang kawal na Portuguese, at ito ay pinondohan ni Haring Carlos V. Naghanap sila ng rutang pa-Kanluran tungo sa Silangan. Sa Silangang baybayin ay natagpuan nila ang Timog Amerika o Brazil sa pamamagitan ng isang makitid na daanan ng tubig na ngayon ay tinatawag na Strait of Magellan. Nagpatuloy sila sa Karagatang Pasipiko at noong 1521 ay natagpuan nila ang Pilipinas.

Una nilang narating ang Samar at kinabukasan ay huminto sa Homonhon. Si Raja Siagu ng Butuan at Kulambo ng Limasawa ang tumanggap sa kanila. Noong March 21, 1521 ay isinagawa ang pinakaunang misa sa Pilipinas.

Leave a Comment