Gamit Ng Mga Panlapi (Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Kabilaan, Laguhan)

Ano ang mga gamit ng mga panlapi? Alamin at pag-aralan.

GAMIT NG MGA PANLAPI – Alamin ang iba’t ibang mga panlapi tulad ng unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan at ang mga gamit nito.

Ang isang salita na walang dagdag ay tinatawag ng salitang-ugat kung saan ang ibig sabihin ay buo ang kilos. Ilan sa mga halimbawa nito ay luto, sayaw, kanta, mabait, alis, sabi, hango, tango, luto, kain, at marami pang iba. Gamit ang mga salitang-ugat, tayo ay nakakabuo ng mga bagong salita gamit ang mga titik na idinagdag dito na tinatawag na panlapi.

Gamit Ng Mga Panlapi

Ang mga panlapi ay:

  • ma
  • mag
  • na
  • nag
  • pag
  • pala
  • -um-
  • -in-
  •  -an
  • -han
  • -in
  • -hin

Ang panlapi ay ang mga kataga na ikinakabit sa isang salitang-ugat na maaring makita sa unahan, gitna, hulihan, o kabilaan.

Uri ng panlapi

  • Unlapi – Ito ang panlapi na nasa unahan ng salitang-ugat. (unlapi + salitang-ugat = bagong salita)

Mga halimbawa:

  1. mag + luto = magluto
  2. um + awit = umawit
  3. nag + sabi = nagsabi
  4. mag + tanim = magtanim
  5. ma + husay = mahusay
  • Gitlapi – Ito ang panlapi na nasa gitna ng salitang-ugat. (gitlapi + salitang-ugat = bagong salita)

Mga halimbawa:

  1. -in- + kain = kinain
  2. -um- + talon = tumalon
  3. -in- + sabi = sinabi
  4. -in- + pasok = pinasok
  5. -in- + palit = pinalitan
  • Hulapi – Ito ang panlapi na nasa hulihan ng salitang-ugat. (hulapi + salitang-ugat = bagong salita)

Mga halimbawa:

  1. basa + han = basahan
  2. sabi + hin = sabihin
  3. tabi + han = tabihan
  4. tanim + an = taniman
  5. bawas + an = bawasan
  • Kabilaan – Ito ang panlapi na nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat. (salitang-ugat + unlapi + hulapi = bagong salita)

Mga halimbawa:

  1. sayaw + mag- + -an = magsayawan
  2. upo + in- + an = inupuan
  3. sabi + pag- + han + pagsabihan
  • Laguhan – Ito ang panlapi na nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. (salitang-ugat + unlapi + gitlapi + hulapi = bagong salita)

Mga halimbawa:

  1. sikap + pag- + -um- + -an = pagsumikapan
  2. sigaw + ipag- + -um- + -an = ipagsumigawan
  3. alaga + ma- + -pang- + -an = mapangalagaan

Leave a Comment