Basahin ang mga halimbawa ng katapora at paano ito gamitin sa isang teksto.
HALIMBAWA NG KATAPORA – Alamin kung ano ang katapora, tamang paggamit nito, at mga halimbawa para sa mas magandang pagpapahayag.
Sa wikang Filipino, mayroong mga kohesiyong gramatikal o ang mga salita na nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita. Ang mga salitang ito ay mga panghalip tulad ng ito, doon, dito, iyon, sila, siya, tayo, kanila, kaniya, at iba pa. Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa mga tao, hayop, bagay, at lugar.
Ang anapora ay ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap. Ang kabaligtaran naman nito ay katapora. Ang katapora ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit upang itago o hindi na ulitin ang isang salita, pangungusap, o mga parirala na nabanggit na sa teksto.

Sa madaling salita, inilalagay muna ang panghalip, at pagkatapos lamang binabanggit ang tiyak na bagay o taong tinutukoy nito. Kabaligtaran ito ng anapora, kung saan nauuna ang pangngalan bago ang panghalip.
Mga halimbawa ng anapora:
- Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.
- Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig mag-aral.
- Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na kayamanan ng isang bansa.
Mga halimbawa ng katapora:
- Gusto mo ba siyang makita? Ang bagong guro natin, si Ginoo Santos.
- Hindi ko siya makakalimutan, si Mark, na naging pinakamatalik kong kaibigan.
- Kailangan ka niya, si Ana, dahil may problema siya ngayon.
- Gusto mo ba siyang marinig? Ang sikat na mang-aawit na si Regine Velasquez.
- Gusto ko ito, ang regalong binigay mo sa akin.
- Mahal na mahal niya sila, ang kanyang mga kapatid.
- Huwag mo siyang pansinin, si Leo, dahil siya ay mahilig mang-asar.
- Binili ko ito para sa kanya, kay Mama.