Heograpiya Ng Pilipinas, Dalawang Sangay, At Kahalagahan

Alamin ang heograpiya Ng Pilipinas at ang dalawang sangay nito.

HEOGRAPIYA NG PILIPINAS – Alamin ang kahulugan ng heograpiya, ang dalawang sangay nito, at ang mga kahalagahan nito sa bansa para sa mga tao.

Ang heograpiya ay nagmula sa salita ng Griyego na “geographia,” kung saan ang kahulugan ng “geo” ay daigdig at ang ibig sabihin ng “graphia” ay paglalarawan. Samakatuwid, ito ay ang paglalarawan ng daigdig. Ang heograpiya Ng Pilipinas, bilang isang arkipelago, ay natatangi. Ang bansa ay binubuo ng higit sa pitong libong isla o pulo, malalaki at maliliit. Ang pulo ay isang anyong-lupa na napapaligiran ng tubig.

Heograpiya Ng Pilipinas

Dalawang sangay ng heograpiya

  • Heograpiyang Pisikal
    Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng iba’t ibang mga natural na proseso at kaganapan na nangyayari sa loob at labas ng mundo. Pinag-aaralan ang mga kalupaan, karagatan, katubigan, klima, at iba pang mga bagay na napapaloob sa pisikal na katangian o anyo ng daidig. Ang mga pisikal na anyo ay klima, panahon, mga salik na nakakaapekto sa klima ng bansa, anyong lupa, anyong tubig, at mga likas na yaman ng Pilipinas.
  • Heograpiyang Pantao
    Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago sa tao dulot ng kapaligiran at kung ano ang epekto ng mga pagbabagong ito pabalik sa kapaligiran. Sa sangay din na ito pinag-aaralan ang kasaysayan, populasyon, ekonomiya, pulitika, kultura, at iba pa.

Mahalaga na pag-aralan at malaman ang heograpiya ng bansa para maunawaan ang dating kapaligiran, maging handa sa mga natural na sakuna, pagkilala sa yaman ng bansa, pagiging maalam kung paano ingatan at mas pagyamanin ang mga yaman ito, tamang paggamit, para maunawaan ang kasaysayan at kultura, pagplano sa kaunlaran, mas mapaigting ang nasyonalismo, at marami pang iba.

Ano ang mga kahalagahan ng heograpiya?

  • Nauunawaan ang mga epekto ng pisikal na anyo ng daigdig sa pang-araw-araw na buhay.
  • Nalalaman ang koneksyon ng heograpiya sa dating kasaysayan at kung paano naaapektuhan ng mga nakaraang nangyari ang mga pangyayari sa kasalukuyan.
  • Nalalaman ang kultura ng ibang lugar at nauunawaan kung bakit ang iba-iba ang mga kaugalian ng mga grupo ng tao ayon sa klima at lokasyon ng kanilang tirahan. Sa pamamagitan nito, madali ang pagtanggap ng mga kaibahan sa ibang lahi at kultura.
  • Mayroon tayong mga kaalaman tungkol sa ibang mga lugar ng daigdig. Nakakatulong ito upang maintindihan natin ang modernong teknolohiya at kung paano ito nakakaapekto sa pag-unlad dulot ng pagiging mas konektado.
  • Napapalawak ang pananaw sa kinagisnang lipunan.
  • Mas napapalalim ang dating pagpapahalaga sa daigdig bilang ating tahanan at pinagkukunang ng mga likas na yaman.

Leave a Comment