Pag-aralan ang heograpiya ng Timog Silangang Asya, ang pisikal na heograpiya.
HEOGRAPIYA NG TIMOG SILANGANG ASYA – Alamin at pag-aralan ang heograpiyang pisikal ng isang subrehiyon ng kontinenteng Asya.
Alamin ang pisikal na heograpiya
- Lokasyon
Ang Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawa: Mainland Southeast Asia (Pangkontinente) at Insular Southeast Asia (Pangkapuluan).
Ang Mainland Southeast Asia ay binubuo ng dalawang malaking lupalop na Indochina Peninsula at Malay Peninsula na nakalatag sa pagitan ng Indian Ocean at West Philippine Sea. Ang mga bansa sa Indochina Peninsula ay Vietnam, Laos, Cambodia, at Myanmar. Sa Malay Peninsula naman ay ang mga bansang Pilipinas, Indonesia, at East Timor.
Ang mga bansa na bumubuo sa Timong Silangang Asya ay Pilipinas, Indonesia, Singapore, Brunei, Timor Leste, Malaysia, Thailand, Vietnam, Cambodia, Laos, at Myanmar.
- Pisikal na Katangian ng Rehiyon
Ang malaking bahagi ng Mainland Southeast Asia (Pangkontinente) ay binubuo ng mga kabundukan at mga nagtataasang talampas. Ang mga kabundukan at mga talampas na ito ang naghihiwalay sa TSA mula sa iba pang mga rehiyon. Ang mga ilog dito ay Irrawady River sa Myanmar, Salween River sa Myanmar at Thailand, Chao Phraya River sa Thailand, Mekong River sa Cambodia, at Red River sa Vietnam.
Ang Insular Southeast Asia (Pangkapuluan) naman ay binubuo ng mga kapuluan na nasa rehiyong tinatawag na Ring Of Fire na makikita sa Pacific Ocean. Ito ang rehiyon kung saan madalas nagalaw ang lupa ay pagputok ng mga bulkan. Tinataya na 81% ng mga pinakamalalakas na lindol ang nangyayari dito. Ito ang bahagi kung saan makikita ang ilang mga aktibong bulkan tulad ng Mayon, Taal, Pinatubo, at Krakatoa.
- Likas na Yaman
- Reserba ng Langis – Brunei, Malaysia, Vietnam at Indonesia
- Tanso – Pilipinas
- Deposito ng Nickel at Iron – Indonesia
- Tin o Lata – Thailand, Myanmar, at Laos
Ang Pilipinas ay malaking prodyuser ng silver, coal, gypsum, at sulphur at pangwalo naman sa pagpo-prodyus ng bigas. Ang Vietnam ay pangalawa sa pinakamalaking exporter ng kape at nagluluwas ng petroleum at coal habang Cambodia ay isa sa mga bansa na ang pangunahing tanim ay bigas, mais, at rubber. Ang Thailand naman ay pangatlo sa pinakamalaking seafood exporter at ang pangunahing produkto iniluluwas ay shrimp, coconut, corn, at sugarcane.
Mga Yamang Mineral
- BRUNEI – Langis, Natural gas
- CAMBODIA – Zircon, Sapphire, Ruby, Asin, Manganese, Phosphate
- EAST TIMOR – Ginto, Petrolyo, Natural gas, Manganese, Marmol
- INDONESIA – Langis, Natural gas, Tin, Bauxite, Tanso, Nickel, Karbon, Pilak, Ginto, Diyamante, Ruby
- LAOS – Karbon, Batong apog, Gypsum, Tin
- MALAYSIA – Langis, Natural gas, Bauxite, Tanso, Bakal, Pilak, Ginto
- MYANMAR – Langis, natural gas, Tin, Antimony, Zinc, Tanso, Tungsten, Tingga, Karbon, Nickel, Pilak, Marmol, Batong apog, Jade, Ruby, Sapphire
- PILIPINAS – Tanso, Ginto, Pilak, Nickel, Tingga, Chromium, Zinc, Cobalt, Manganese, Langis, Natural gas
- SINGAPORE – Luwad
- THAILAND – Karbon, Zinc, Tingga, Tin, Gypsum, Bakal
- VIETNAM – Ginto, Bakal, Zinc, phosphate, Chromite, Karbon