Isyung Panlipunan – Pagpapaliwanag Sa Mga Suliranin

Ano ang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng mga tao?

ISYUNG PANLIPUNAN – Ito ang mga paksa at mga problema na patuloy na kinakaharap ng hindi lamang isang tao kundi ng karamihan sa atin.

Ang mga isyung panlipunan ay ang mga usapin o problema na kaugnay sa kalagayan ng isang lipunan, mga tao, at isang institusyon. Ang mga probleman ito ay may direktang epekto sa ating mga tao at kadalasan, ang mga ito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa sistema ng lipunan, kultura, at ekonomiya.

Isyung Panlipunan

Ilan sa mga problemang ito na patuloy nating kinakaharap ay:

  • Pagsasapin-sapin sa lipunan – Ito ay dahil sa iba’t ibang antas ng buhay ng tao na nababase sa kita, kayamanan, at katayuan sa buhay. Ang problemang ito ang kadalasan na nagbubunga ng kapootan sa kapwa tao dahil ang pagtrato, ng ibang tao sa kapwa nila, kay depende sa katayuan nito sa buhay.
  • Mga problemang ekonomiko – Ito ang mga problema tulad ng kawalang o pagkawala ng trabaho dahil sa mga bagay tulad ng lugar, kasarian, kakulangan sa edukasyon, at ito ay kadalasan na nangyayari sa mga grupong etniko.
  • Kalusugan – Ito ang mga problema tulad ng kakulangan sa mga pangangailangang medikal at ang paglaganap ng mga sakit tulad ng pandemyang COVID-19. Sa Pilipinas, ang mga tao ay umaaray dahil sa kakulangan ng mga pasilidad sa mga ospital at kakulangan ng medical assistance mula sa gobyerno.
  • Hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan – Ito ay kung saan ang pagtrato sa kapwa ay binabase sa kasarian, kapansanan, lahi, at edad. Ito ang mga diskriminasyong madalas nating kinakaharap.
  • Mga problemang pantrabaho – Ito ang mga bagay tulad ng stress, burnout, pagnanakaw, korapsyon, maliit na sahod, at iba pa.
  • Pagdami ng populasyon – Ang sanhi nito ay kawalang ng family planning at early pregnancy sa mga kabataan.
  • Kahirapan – Marami ang mga mahihirap sa Pilipinas at ito ang isa sa mga pinakamalaking suliranin ng bansa. Dahil sa kahirapan, marami ang hindi nakakakuha ng oportunidad para mag-aral at matuto na susi sa pag-unlad.
  • Korapsyon – Ito ang isa sa mga mahirap solusyanan na problema dahil ang mga mismong sangkot ay mga lider ng bansa.

Leave a Comment