Alamin ang mga kahalagahan ng komunidad sa buhay ng isang tao?
KAHALAGAHAN NG KOMUNIDAD – Ang isang komunidad ay binubuo ng mga taong may parehong interes, layunin, o katangian at ito ang mga kahalagahan ito.
Ano ang komunidad? Ito ay binubuo ng isang pangkat ng tao na naninirahan sa isang lugar o lokasyon. Ito ay maaring mabuo batay sa iba’t ibang aspeto tulad ng heograpikal na lokasyon, interes, layunin, kultura, at pag-uugali.
Ito ay may mga tahanan kung saan nakatira ang isang pamilya at ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng isang komunidad. Mayroong mga paaralan kung saan nahuhubog ang pag-iisip at mabuting asal ng mga kabataan, simbahan kung saan nananalangin ang mga tao, ospital para sa kalusugan nila, bahay-pamahalaan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, pook-libangan para sa libangan ng mga tao – bata man o matanda, at pamilihan para sa ating pangangailangan sa pagkain.
Ang isang komunidad ay may mahalagang sa papel sa buhay ng isang tao at ito ang ilan sa mga kahalagahan na ito:
- Nakakatanggap ng suporta at pagkakaisa. May mga tao na handang magbigay ng suporta sa mga oras ng pangangailangan at mga miyembro na handang tumulong para malampasan ang isang hamon.
- May kasama at nakakabuo ng pagkakaibigan. Ito ang nagbibigay pagkakataon sa atin para makipag-ugnayan na nagre-resulta ng isang magandang relasyon at koneksyo na maganda para sa ating emosyonal at mental na kalusugan.
- Pagpapa-unlad at pagpapabuti ng buhay sa pamamagitan ng mga proyekto at inisyatiba kung saan hindi lang ikaw ang makikinabang, kundi lahat ng tao sa komunidad.
- Napapalaganap ang ating kultura at tradisyon at dahil dito, hindi matatapos at hindi malilimutan ang kaluluwa ng ating pagka-Pilipino.
- Bayanihan. Bilang bahagi ng isang pangkat, marami tayong natutunan at isa na rito ang bayanihan kung saan ang isang layunin ay nakukuha sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong at sama-samang pagkilos.
- Natutunan natin ang tunay na kahulugan ng pagtutulungan, pagmamalasakit, at pagiging bahagi ng isang mas malawak na sistema.