Alamin kung ano ang klaster o tinatawag din na kambal katinig at mga halimbawa nito.
KAMBAL KATINIG – Ito ay tinatawag din na klaster at naririto ang ilang halimbawa ng mga ito na dapat mong tandaan at pag-aralan.
Ang katinig ay pinakamarami sa alpabetong Filipino at ginagamit natin ngayon para makabuo ng maraming salita. Ang mga letrang ito ay Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy, at Zz. Sa kabilang banda naman ay ang mga patinig na Aa, Ee, Ii, Oo, at Uu.
Ang mga kambal katinig o klaster ay ang mga salita na may dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig tulad ng pluma. May mga salita na may magkasunod na katinig pero hindi tinuturing na klaster dahil ang mga ito ay hindi magkasama sa isang pantig tulad ng petsa. Ang mga ito ay maaring makita sa unahan, gitna, at wakas.
Mga halimbawa ng walang kambal katinig:
- hibla (hib-la)
- Pebrero (Peb-re-ro)
- kuwadrado (ku-wad-ra-do)
- radyo (rad-yo)
- tigre (tig-re)
- taglay (tag-lay)
- saklolo (sak-lo-lo)
- awtokratiko (aw-tok-ra-ti-ko)
- iksi (lik-si)
- daplis (dap-lis)
- kopra (kop-ra)
- litro (lit-ro)
- otso (ot-so)
- palda (pal-da)
- muwebles (mu-web-les)
- litrato (lit-ra-to)
- negosasyon (ne-go-sas-yon)
Mga halimbawa ng may kambal katinig:
Blusa (Blu-sa) Krayola (Kra-yo-la) Pluma (Plu-ma) Glosaryo (Glo-sar-yo) Prito (Pri-to) Komiks (Ko-miks) Granada (Gra-na-da) Mekaniks (Me-ka-niks) Tsokolate (Tso-ko-la-te) Trapo (Tra-po) Trilyon (Tril-yon) Tsina (Tsi-na) Drayb (Drayb) Kard (Kard) Nars (Nars) | Pyesta (Pyes-ta) Braso (Bra-so) Blusa (Blu-sa) Bwelo (Bwe-lo) Byahe (Bya-he) Drama (Dra-ma) Dyip (Dyip) Grasa (Gra-sa) Braso (Bra-so) Grasya (Gras-ya) Kwarto (Kwar-to) Kwaderno (Kwa-der-no) Iskawt (Is-kawt) Dawntawn (Dawn-tawn) Plaslayt (Plaslayt) |
Alamin ang mga posibleng kumbinasyon:
/w/ | /y/ | /r/ | /l/ | /s/ | |
/p/ | x | x | x | x | |
/t/ | x | x | x | x | |
/k/ | x | x | x | x | |
/b/ | x | x | x | x | |
/d/ | x | x | x | ||
/g/ | x | x | x | x | |
/m/ | x | x | |||
/a/ | x | x | |||
/l/ | x | x | |||
/r/ | x | x | |||
/s/ | x | x | |||
/h/ | x | x |