Karapatan Bilang Mamamayan At Mga Halimbawa

Ang mga karapatan bilang mamamayan sa iba’t ibang aspeto.

KARAPATAN BILANG MAMAMAYAN – Ano ang iyong mga karapatan? Alamin ang iyong kapangyarihang moral sa sibil, pulitika, panlipunan, at pangkabuhayan.

ANO ANG KARAPATAN? Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral ng isang tao na gawin at angkinin ang mga bagay na kailangan sa kanyang estado sa buhay. Hindi ito kasingkahulugan ng tungkulin dahil ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang gagawin ng isang tao.

Karapatan Bilang Mamamayan

Ang mga karapatan ang nagbibigay proteksyon at kalayaan sa bawat isa. Nagbibigay din ang mga ito ng kapangyarihan sa mga tao para ipaglaban ang kanilang mga sarili mula sa anumang anyo ng pang-aabuso, diskriminasyon, o pagmamalupit. Ang mga ito ang nagbibigay ng pantay na oportunidad, patas na trato, at kalayaan sa pagpapahayag ng sariling opinyon at pananagutan sa kanilang mga gawain.

  • Karapatang Sibil
    Ito ang pagkakaroon ng patas na pagtrato at pantay na pagkakataon para sa lahat. Ang mga karapatang ito ay nagpo-protekta sa indibidwal at nagbibigay kalayaan para maiwasan na makaramdam ng diskriminasyon.

Mga halimbawa:

  1. karapatang mabuhay
  2. karapatang magsalita
  3. karapatang hindi mabilanggo mula sa pagkaka-utang
  4. karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian
  5. Karapatan sa pantay na proteksyon
  6. Karapatan sa mabilis na paglilitis
  • Karapatang Pulitikal
    Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan ang mga tao ay may karapatan maghalal ng nais nilang lider.

Mga halimbawa:

  1. karapatang bumoto
  2. karapatang maghayag ng sariling opinion
  3. karapatang magkaroon ng isang matiwasay na eleksyon
  4. karapatang bumuo ng grupo o organisasyon
  • Karapatang Panlipunan
    Tumutukoy ito sa payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. Kabilang dito ang Writ of Habeas Corpus o ang utos ng hukuman na dalhin sa korte ang isang tao para magpaliwanag kung bakit pinipiit ang isang tao.

Mga halimbawa:

  1. karapatang mamuhay at may kalayaan
  2. karapatang maging malaya sa pagsasalita
  3. karapatang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas
  4. karapatang makilahok sa kalinangan
  5. karapatan sa pagkain
  6. karapatang makapaghanapbuhay
  7. karapatan sa edukasyon
  • Karapatang Pangkabuhayan
    Ito ang karapatan ng tao na maghanapbuhay, magkaroon ng disenteng sahod, at magkaroon ng maayos na kalagayan sa paggawa.

Mga halimbawa:

  1. karapatang pumili ng propesyon
  2. karapatang maging ligtas sa maruming pagawaan at kapaligiran
  3. karapatang makinabang sa mga likas na yaman
  4. karapatang bayaran ng wasto sa mga pribadong ari-arian na gagamitin ng pamahalaan
  5. karapatang magmay-ari

Leave a Comment