Ano ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino?
Pag-alam sa iba’t-ibang uri ng mga karapatan ng mamamayang Pilipino at pagtukoy sa kung ano ang mga sinasaklaw ng mga karapatang ito.
Ang karapatan ay ang mga “pribilehiyo, kapahintulutan, o hakbang na legal” na ibinibigay sa isang tao upang mabuhay o gampanan ang kanyang mga gawain. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang aspeto ng buhay. Ito ay isa ring balangkas para sa proteksyon ng mga tao at bilang isang tao, mayroong iba’t ibang karapatan.
Mga Uri Ng Karapatan
- Karapatang Sibil – Isa ito sa mga karapatan ng mamamayan na kinikilala ng bansa. Sinasakop nito ang pagkamit natin ng kaginhawaan at pakikipag-ugnayan sa iba.
Mga halimbawa:
- Kalayaan sa pananalita at pamamahayag.
- Pagpili ng relihiyon na nais kaaniban.
- Paninirahan at paglalakbay.
- Pagkaroon ng mga ari-arian.
- Umiwas sa pagiging alipin.
- Karapatan ng pananatiling inosente hangga’t hindi pa napapatunayan ang pagkakasala.
- Pagpapatupad ng mabilis, hayagan, at patas na paglilitis.
- Karapatang Politikal – Ang karapatang ito ay pinagtibay ng Saligang Batas ng Pilipinas at ito ang karapatan ng mga tao sa politikal na aspeto. Dahil dito, tayo ay may demokrasiya.
Mga halimbawa:
- Karapatang maghalal ng mga opisyal sa gobyerno.
- Pagkakaroon ng totoo at tapat na pamahalaan.
- Tumakbo sa pwesto sa pamahalaan.
- Pag-alam sa mga plano ng pamahalaan.
- Mag-sumbong ng mga corrupt na opisyal.
- Magpahayag ng opinyon tungkol sa isang politiko.
- Pangangampanya para sa pagsuporta sa isang politiko.
- Mangampanya laban sa isang politiko.
- Pagsuporta sa mga politiko na nais paniwalaan.
- Magbantay ng boto sa tuwing eleksyon.
- Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan – Ito ay tumutukoy sa ating kalayaan at karapatan na magkaroon ng pagkakakitaan o hanapbuhay at pagtuklas ng mga paraan para mas guminhawa pa ang buhay. Ito ang ating mga karapatan para mabuhay sa isang lipunan at isulong ang kapakanan.
Mga halimbawa:
- Kalayaan sa pag-aari at kumuha ng mga pribadong pag-aari.
- May dignidad na pantao.
- Pagkakapantay-pantay sa lipunan, kabuhayan, at kalinangan.
- Pagkakaroon at pagtamo ng edukasyon sa lahat ng antas.
- Pangangalaga at paggamit ng mga likas na yaman.
- Pagtaguyod ng katarungang panlipunan.