Kasabihan Tungkol Sa Wika (Mga Halimbawa)

Mga halimbawa ng mga kasabihan tungkol sa wika. Alamin at basahin.

KASABIHAN TUNGKOL SA WIKA – Ang wika ay higit pa bilang isang paraan sa pakikipagkomunikasyon at ito ang mga kasabihan tungkol dito.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”

Kasabihan Tungkol Sa Wika

Ito ang isang kasabihan na nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ito ang kasabihan na nagpapaalala sa atin na dapat nating pahalagahan ang sariling wika bilang isang napakahalagang bahagi ng ating kultura at pagkatao. Subalit sa panahon ngayon, sa modernong panahon, mas laganap ang paggamit ng Ingles kaysa sa Filipino. Dito pumapasok ang papel ng paaralan, pamilya, at media sa pagtaguyod at paglinang ng ating wika.

Ang kahulugan ng wika ay ang isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. 

Ano ang mga katangian ng wika?

  • May masistemang balangkas na sistematiko at tiyak.
  • May sinasalitang tunog para ito ay maging makabuluhan.
  • Ito ay pinipili at isinasaayos lalo na sa pakikipagtalastasan. 
  • Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog.
  • Ito ay ginagamit bilang kasangkapan sa komunikasyon at kailangan na patuloy itong gamitin.
  • Ang wika ay kaugnay ng kultura at nakabatay dito.
  • Ito ay dinamiko.
  • Ang wika ay komunikasyon. 
  • Ito ay makapangyarihan.

Ito ang nagbibigay-buhay sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng bawat isa. Ito ang simbolo ng ating kalayaan, pagkabansa, at pagmamahal sa sariling atin. Ito ang ating tulay sa pagkakaunawaan, salamin ng ating kultura, at ugat ng ating pagkakakilanlan bilang isang mamamayan. Para mas lalong mapaibayo ang ating pagmamahal sa ating sariling wika, ito ang ilan sa mga kasabihan na magpapayabong ating pagkabansa.

Ang wika ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon, ito ang ating pagkatao bilang mga mamamayan.

“Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.”

“Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa”

“Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.”

“Pitumpu’t limang taon sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong Pilipino”

“Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan Para sa Kapayapaan”

“Wikang Filipino: Wikang Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino”

“Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Landas”

”Aanhin mo ang banyagang wika, kung ang sarili mong wika ay di mo matalima”


“Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi.”

“Wika ang daan sa pagkakaisa at kaunlaran ng bayan.”

“Sa bawat salita ng wika ay sumasalamin ang kaluluwa ng isang bayan.”

“Ang wika ay susi ng kaunlaran; sa bawat wika ay may yaman.”

“Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa.”

“Sa pagkasira ng wika, kasamang nalulusaw ang kultura ng bayan.”

“Kung nais mong mahalin ng bayan, mahalin mo muna ang kanyang wika.”

“Panatilihin at ipagmalaki ang sariling wika, dahil ito ang ating pagkakakilanlan.”

Leave a Comment