Ano ang mga kasarian ng pangngalan? Alamin at pag-aralan!
KASARIAN NG PANGNGALAN – Ito ay tumutukoy kung ang isang bagay ay babae, lalaki, di-tiyak, o walang kasarian, at ito ang mga halimbawa.
Ano ang pangngalan? Ang PANGNGALAN ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Ito ay isa sa mga bahagi ng pananalita kung saan ang ibang mga bahagi ay panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy, at pandamdam.
Ito ay may iba’t ibang uri at kasarian. Ang mga uri ay ginagamit upang maglarawan ng mga karanasan, mga ibang bagay, ng isang tao, o isang lugar habang ang mga kasarian ay tinutukoy ang isang bagay ay babae, lalaki, di-tiyak, o walang kasarian.
- PANGNGALANG PANTANGI – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at iba pa
- PANGNGALANG PAMBALANA – tumutukoy sa pangkaraniwang ngala ng tao, hayop, bagay, pook, at iba pa
Mga halimbawa
PAMBALANA | PANTANGI |
bulkan | Taal Mayon Pinatubo Kanlaon Banahaw Arayat Apo |
probinsya | Negros Occidental Siquijor Batanes Guimaras Leyte Quezon Cebu Batangas |
dagat | Pasipiko Atlantiko West Philippine Sea Caribbean Sea Black Sea Red Sea Persian Gulf |

Mga kasarian
Mayroon apat na kasarian ang pangngalan na nagsasabi kung ang isang bagay o tao ay pambabae, panlalaki, walang kasarian, o di tiyak.
- PANLALAKI – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki
- PAMBABAE – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae
- DI-TIYAK – maaring tumukoy sa ngalan ng babae o lalaki
- WALANG KASARIAN – tumutukoy sa ngalan ng walang buhay, walang kasarian, at mga bagay na may buhay ngunit walang kasarian
Mga halimbawa
PANLALAKI | PAMBABAE | DI-TIYAK | WALANG KASARIAN |
ama ginoo labandero lalaki lolo kuya hari Harold Jericho maestro manong Mario ninong nobyo papa pari pastor prinsipe tatay tindero tito tiyuhin sastre | ate babae binibini doktora dukesa inahin labandera lola madre maestra mama manang ginang modista nanay ninang nobya prinsesa reyna Rica tindera tita tiyahin | alaga artista banyaga bata guro inaanak kaibigan kalaro kamag-anak kapatid katrabaho mag-aaral magulang mananahi manggagamot nars pangulo piloto pinsan pulis biyenan kaklase pamangkin | aklat alahas baso damit eroplano gamit halaman itlog kaldero kalye lamesa lampara laruan mesa orasan papel pinggan plato prutas puno relo sapatos saranggola |