Alamin ang apat na kayarian ng salita at mga halimbawa.
KAYARIAN NG SALITA – Ito ang iba’t ibang mga kayarian at mga halimbawa nito para malaman ang kanilang mga pagkakaiba.
Ang salita ay bumubuo ng pangungusap. Ang isang salita ay binubuo ng mga titik at bawat isang salita ay may kahulugan. Bilang isang yunit ng wika, ito ay may payak na kahulugan, may isa o higit pang morpema, may halagang ponetika, may salitang ugat, at maaring may panlapi o wala.

Ang mga salita na ito ay bumubuo ng wika at ang wika ay isa sa mga mahalagang pundasyon ng ating kultura. Ang salita at wika ay ginagamit sa pakikipagugnayan, pakikipagkalakalan, at pakikipagtalastasan. Magiging walang saysay ang lahat kung wala ang mga salita na pundasyon at dahilan ng wika.
Ang apat na kayarian ng salita:
- Payak
Isang salitang ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at hindi itinatambal sa ibang salita.
Halimbawa:
- bayan
- burol
- dagat
- gabi
- araw
- Maylapi
Ito ay binubuo ng isang salitang ugat at panlaping isa o higit pa. Ang panlapi ay ang mga katagang idinadagdag sa isang salitang ugat na iniiba ang kahulugan. Ang mga panlapi ay maaring ilagay sa unahan o unlapi, gitna o gitlapi, hulihan o hulapi, at gitna o gitnaan.
Halimbawa:
- ma + ganda = maganda
- pasyal + an = pasyalan
- ka + Gabi = kagabi
- sam + bayan + an = sambayanan
- ka + pangits + an = kapangitan
- Inuulit
Mga salitang inuulit ang isang bahagi o kabuuan ng isang salita.
Halimbawa:
- matalinong-matalino
- magandang- maganda
- araw-araw
- gabi-gabi
- maduming-madumi
- Tambalan
Ang mga salitang binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang bagong salita. May mga salitang tambalan na nanatili ang kahulugan at mga tambalang salita na nagbibigay ng bagong kahulugan.
Halimbawa:
- kapit + bahay = kapitbahay
- bahagi + hari = bahaghari
- dalaga + bukid = dalagang bukid
- balik + bayan = balikbayan
- tainga + kawali = taingang kawali