Nabibigay ang kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo at ang kanilang mga pagkakaiba.
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO – Pag-alam at pag-aral tungkol sa kahulugan at kaibahan ng dalawang konsepto na ito.
Ano ang Kolonyalismo at Imperyalismo?
Ang KOLONYALISMO ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa isa pa para mapagsamantalahan ang mga likas na yaman nito dahil sa kanilang pansariling pagnanasa. Ang bansang sinakop ay tinatawag na “kolonya” at ang mga mananakop ay tinatawag na “kolomyalista”.
Ang IMPERYALISMOay batas o paraan ng pamamahala ng isang malaki at makapangyarihang bansa sa mga maliliit na bansa para mapalawak ang kanilang kapangyarihan. Naglulunsad ito ng mga batas para kontrolin ang kabuhayan at politika ng isang maliit na bansa.
Madalas ay maihahalintulad ang dalawa pero mayroon silang isang kaibahan: “Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya”.
Mga dahilan ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya
- Paglunsad ng Krusada – Ito ay inilunsad noong 1096 hanggang 1273 at isa sa mga layunin nito ay mabawi ng Jerusalem na nasakop ng mga Muslim. Ang paglalakbay ay nalagay sa mga akda at nakarating sa Europa. Dahil sa kagandahan ng kontinente, nahikayat ang mga Europeo na pumunta sa Asya.
- Ang paglalakbay ni Marco Polo – Matagal na nanatili si Marco Polo sa China at siya manghang-mangha sa kanyang mga nakita sa kultura, gawaing panrelihiyon, at mga likas na yaman na sobrang sagana. Bumalik si Marco Polo sa Europa noong 1925 pero ng sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Venice at Genoa, siya ay nabihag at nakulong. Habang nasa kulungan, ang kanyang paglalakbay ay kanyang naikwento kay Rustichello at matapos ang ilang taon, nabuo niya ang “Travels Of Marco Polo”. Ito ay tungkol sa kagandahan ng China at iba pang mga bansa ng Asya na narating niya.
- Paghahanap ng bagong rutang pangkalakalan – Ang Constantinople ay ang tulay ng Asya at Europa sa pakikipagkalakalan subalit nasakop ng Seljurk Turk ang malaking bahagi ng silangang rehiyon ng Mediterranean at isa na dito ang Constantinople. Umangat ang monopolyo ng Italian at para maisara ito, naghangad ang mga bansang Portugal, Spain, England, France, at Netherlands ng ibang ruta patungo sa Asya para makabili ng mga produkto sa direktang paraan at sa mababang presyo.
- Paniniwala sa merkantilismo – Ang merkantilismo ay ang paniniwala na ang kayamanan ng isang bansa ay nababatay sa kabuuang ginto at pilak na mayroon ito.