Likas Na Yaman Ng Pilipinas Mula Sa Iba’t Ibang Bahagi Ng Bansa

Alamin ang mga likas na yaman ng Pilipinas o mga hilaw na materyales mula sa iba’t ibang mga lalawigan.

LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS – Ang bansa ay sagana sa napakaraming mga pinagkukunang yaman o mga bagay at materyal na kailangan ng mga tao.

Mayroong apat na uri ng likas na yaman at ang mga ito ay nagmumula sa kagubatan, sa katubigan, mineral, at sa kalupaan. Bawat uri ay mahalaga at nagdadala ng malaking halaga para sa ating ekonomiya. Ang mga yamang-gubat ay nagbibigay ng kahoy, troso, at dagta na ginagamit para makabuo ng iba pang mga produkto tulad ng gamot, pabango, pomada, at marami pang iba. Maraming puno rin na mataas ang kalidad na matatagpuan sa bansa tulad ng narra, apitong, kamagong, ipil, lawaan, yakal, at tindalo.

Likas Na Yaman Ng Pilipinas

Sa yamang tubig, ang bansa ay napapaligiran ng mga karagatan, ilog, batis, at look kung saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng mga isda, perlas, kabibe, at iba pang mga pagkaing-dagat. Sa kabilang banda, ang mga yamang-mineral ay may dalawang uri – metal at di-metal. Ang mga metal ay chromite, tanso, bakal, lead, manganese, mercury, tingga, at zinc, habang ang mga di-metal naman ay asbestos, barite, luwad, carbon feldspar, guano, gypsum, apog, marmol, sulpur, petroleum, natural gas, at iba pa.

At sa bansa, isa sa mga pinakamahalaga ay ang mga yamang lupa kung saan nakasalalay ang buhay ng mga tao, halaman, at hayop. Malawak ang mga lupang pansakahan at mayroon ding mga lupang pangkomersiyo, pantirahan, pampalaruan, at pampalibangan.

Mga likas na yaman na makikita sa iba’t ibang lalawigan o bahagi ng bansa:

YAMANG LUPA

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Gitnang Luzonbigas, gulay at prutas
Baguio, Benguetmga sariwang gulay at prutas   broccoli, pipino, lettuce, carrots, sayote, patatas bell pepper, baguio beans, celery at kamatis, strawberries   iba’t-ibang uri ng mga bulaklak
Ilocosbigas, tabako, bawang
Antipolosuman, mangga, kasuy
Pampangabigas, tubo, mais
Negros Occidentalsaging, tubo, kahel
Tagaytay at Cavitepinya, saging
Batangaskape, niyog, palay, mais
Lagunalanzones, rambutan
GuimarasMangga
N. Ecijabigas, sibuyas
Bicolabaka (ginagawang bag, pamaypay, tsinelas sombrero) sili pili nuts
Quezonniyog (nagmumula ang buko juice, nata de coco)  
Davaomga prutas gaya ng suha, durian, marang   mga bulaklak, orchids
Bukidnon at Cotabatopinya *Dito matatagpuan ang malawak na taniman ng pinya na Dole Philippines at Del Monte PhilippinesPhilippine travel packages
CALABARZON (Calamba, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)karneng baka
Gitnang Visayaskarneng baboy
Gitnang Luzonkarneng manok
Paterosbalut, penoy

YAMANG GUBAT

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Basilan, Zamboanga del Sur, Cotabato, Agusan, Surigao, Bukidnon and Misamis Orientalrubber tree o punong goma
Agusanplywood, lawanit
Negros Occidentalkamagong
La Union, Pampanga, Capiz, Cebu, Bukidnon, Surigao del surkawayan
Samar, Palawanbakawan
Bicol, Mindanao, Cagayan Valleynarra

YAMANG MINERAL

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Surigao Del Norte, Davao, Palawan, Romblon at Samarnickel
Ilocos norte, N. Ecija, Cam Norte, Cotabatoiron
Ilocos Norte, Zambales, Cebu, Batangas, Mindoro, Panay, Negros Occidentaltanso
Mt. Province, Cam Norte, Baguio, Masbate, Surigao, Bulacanginto
Zambaleschromite
Pangasinan, Tarlac, Masbate, Cam Surmanganese
Cam Norte, Ifugao, Bataan,Cagayanbakal
Romblonmarmol
Zambales, Palawan, Panayguano
Negros Occidental,Cebu, Mt. Province, Zambales, at Mindanao.pilak

YAMANG TUBIG

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTO
Navotasseafoods
Pangasinanbangus at seafoods, asin, bagoong
Pampangatilapia, hipon
Cavitetahong, talaba
Pangasinanasin, bagoong
Gen SantosTuna
Sorsogonbutanding
Palawanperlas
Cebudried fish, danggit, pusit
Bataantinapa, tuyo, de latang isda
Roxas City, Capizseafood capital of the Philippines

Leave a Comment