Lingua Franca Kahulugan At Kahalagahan

Ano ang mga kahalagahan at kahulugan ng lingua franca? Alamin at pag-aralan!

LINGUA FRANCA KAHULUGAN – Ano ang ibig sabihin ng salitang ito at ang mga kahalagahan nito sa tao at pakikipagkomunikasyon.

ANO ANG LINGUA FRANCA?

Lingua Franca Kahulugan

Ito ang iisang wika na gamit ng dalawang tao na ang unang wikang alam ay magkaiba. Ito ay ginagamit sa isang pangkaraniwang komunikasyon sa mga pangkaraniwang sitwasyon tulad ng pangkalakalan, pang-edukasyon, at pang-interaksyonal.

Sa Pilipinas, ang ating lingua franca ay ang wikang Tagalog o Filipino. Ito ang kadalasang gamit ng lahat sa pakikipagtalastasan dahil magkakaiba ang ating mga katutubong wika o dayalekto na gamit. Sa buong daigdig, ang lenggwaheng Ingles o English ang lingua franca.

Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na bridge language, common language, trade language, auxiliary language, vehicular language, at link language.

Bakit mahalaga ang lingua franca?

Ito ay mahalaga sa napakaraming aspeto ng lipunan. Ito ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Kapag magkaiba ang wika ng dalawang tao, ito ang nagsisilbing kasunduan na wika para magkaintindihan. Napapadali nito ang pakikipag-ugnayan at kooperasyon sa pakikipagkalakalan at mga diplomatikong usapan.

Ito ay nagbibigay-daan para magtulungan mga tao tungo sa globalisasyon. Ito ay mahalaga sa palitan ng mga produkto, serbisyo, at ideya.

Dahil sa isang wikang nakasunduang gamitin, napapadali ang pagpapalaganap at pagpapalitan ng kaalaman, kultura, at edukasyon. At higit sa lahat, kung may pagkakaintindihan, mas napapaibayo ang pagkakaisa at pagpapahalaga sa isa’t isa. Sa kabuuan, ang lingua franca ay isang mahalagang instrumento para sa komunikasyon at pagkakaintindihan.

Ito ay ginagamit rin sa mga sumusunod na mga sitwasyon:

  1. pagpapalitan ng kultura
  2. relihiyosong-ugnayan
  3. diplomasya
  4. pamamahala sa magkakalayong lupain
  5. pagpapalitan ng mga impormasyon tungkol sa agham mula sa magkakaibang nasyonalidad

Iba pang mga kahalagahan nito:

  • Sinasalita at ginagamit ng nakararami.
  • Para mas maintindihan ang mga dayuhan na napupunta sa bansa.
  • Para magkaintindihan ang lahat saan mang panig ng daigdig sila gamit.
  • Mas madali at mas mabilis ang pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Leave a Comment