Ano ang malikhaing pagsulat at ano ang mga saklaw nito?
MALIKHAING PAGSULAT – Ito ang uri ng pagsulat na masining na ang layunin ay pagandahin ang imahinasyon at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Ano ang malikhaing pagsulat? “Ito ang masining na uri ng pagsusulat sa larangan ng literatura o panitikan. Nababatay ang pagsulat sa imahinasyon ng manunulat at layunin niyo na paganahin ang imahinasyon at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Ang mga tula, nobela, maikling katha, dula, ay sanaysay ay nahahanay sa uring ito.”

Ayon kay Castillo et al (2008), ito ay isang natatanging uri ng pagsulat sapagkat kailangan nitong magtaglay ng mahusay na diwa at paksa. Ito ay nagbibigay aliw at pag-unawa sa kanilang buhay at sa lipunan na kanilang ginagalawan.
Ang layunin nito ay higit sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Sa gitna ng modernisasyon, ang uri ng pagsulat na ito ay mananatiling mahalaga para sa paghubog ng kultura, damdamin, at pag-iisip ng tao.
Maliban sa mga nabanggit, ito ang iba pang mga anyo nito:
- Memoir
- Awtobiyograpiya
- Maikling kwento
- Dagli
- Epiko
- Personal na sanaysay
- Komiks
- Kanta o awit
Sa mga nasabing akdang pampanitikan na saklaw ng sulating ito, gaya ng tula, maikling kwento, sanaysay, nobela, at dula, malaya ang pagpapahayag ng manunulat ng kanyang mga pananaw, karanasan, at damdamin sa masining at makabuluhan na paraan. May kalayaan din sa estilo ng pagsulat, wika, at istruktura, di gaya ng mga teknikal at akademikong sulatin.
Isa sa mga elemento nito ay ang paksa kung saan dapat na piliin ay ang mga paksa na ayon sa mga makabagong kaganapan, gusto ng mga mambabasa, at kawili-wili. Ang layunin o mensahe ng sulat ay dapat na naipahayag para alam ng mga mambabasa kung ano ang mensahe na nais mong iparating bilang manunulat dahil ang mga mambabasa ang mahalagang elemento na nagbibigay importansya sa napiling paksa.