Ilang halimbawa ng mga matalinghagang salita at ang ibig sabihin nila.
MATALINGHAGANG SALITA – Ito ang mga malalalim na salita na magandang gamitin sa isang usapan o sulatin at ang kanilang mga kahulugan.
Ang mga matalinghagang salita ay mga salitang malalalim na may simpleng kahulugan. Ito ang mga salita na may nakatagong kahulugan na ginagamit upang magbigay diin o mas maging makulay at masining ang isang pangungusap. Ito ang mga salita na hindi maiintindihan batay sa literal na kahulugan ng mga salita. Ito ay nangangailangan ng mas malalim na pag-unawa.
Ito ang mga halimbawa ng mga matalinghagang salita at mga kahulugan:
- manipis ang mukha – mahiyain
- maaliwalas ang mukha – masayahin
- madilim ang mukha – taong simangot, problemado
- dalawa ang mukha – kabilanin, balik-harap
- nakahiga sa salapi/pera – mayaman rich
- nagbibilang ng poste – walang trabaho
- namamangka sa dalawang ilog – salawahan
- nagmumurang kamatis – matandang nag-aayos binata o dalaga
- naniningalang-pugad – nanliligaw
- ningas-kugon – panandalian, di pang-matagalan
- panis ang laway – taong di-palakibo
- pagkagat ng dilim – pag lubog ng araw
- pulot-gata – pagtatalik ng bagong kasal
- putok sa buho – anak sa labas
- makati ang paa – mahilig sa gala o lakad
- saling-pusa – pansamantalang kasali sa laro
- sampid-bakod – nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
- samaing palad – malas na tao
- sampay-bakod – taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
- agaw-buhay – naghihingalo
- anak-pawis – magsasaka; manggagawa
- anak-dalita – mahirap
- alilang-kanin – utusang walang sweldo
- balitang kutsero – hindi totoong balita
- balik-harap – mabuti sa harapan, taksil
- bantay-salakay – taong nagbabait-baitan
- bungang-araw – sakit sa balat
- balat-sibuyas – manipis, maramdamin
- balat-kalabaw – makapal, di agad tinatablan ng hiya
- buto’t balat – payat na payat
- tulak ng bibig – salita lamang, di tunay sa loob
- dalawa ang bibig – mabunganga, madaldal
- halang ang bituka – salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay
- mahapdi ang bituka – nagugutom
- makapal ang bulsa – maraming pera
- butas ang bulsa – walang pera poor
- sukat ang bulsa – marunong gumamit ng pera
- nagbabatak ng buto – nagtatrabaho
- matigas ang buto – malakas
- kidlat sa bilis – napakabilis
- matalas ang dila – masakit mangusap
- maanghang ang dila – bastos magsalita
- matamis ang dila – mahusay mangusap, bolero
- kaututang dila – katsismisan
- sanga-sangang dila – sinungaling
- may krus ang dila – nakapanghihimatong
- kumukulo ang dugo – naiinis, nasusuklam
- magaan ang dugo – madaling makapalagayan
- maitim ang dugo – salbahe, tampalasan
- hampas-lupa – lagalag, busabos
- haligi ng tahanan – ama
- ilaw ng tahanan – ina
- itaga sa bato – tandaan
- isulat sa tubig – kalimutan
- makitid ang isip – mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman
- malawak ang isip – madaling umunawa, maraming nalalaman
- malakas ang loob – matapang
- mahina ang loob – duwag
- mababa ang loob – maawain
- masama ang loob – nagdaramdam
- mabigat ang kamay – tamad magtrabaho
- magaan ang kamay – madaling manuntok, manapok, mapanakit
- mabilis ang kamay – mandurukot
- malikot ang kamay – kumukuha ng hindi kanya
- di makabasag-pinggan – mahinhin
- di mahulugang-karayom – maraming tao
- pag-iisang dibdib – kasal
- kabiyak ng dibdib – asawa
- daga sa dibdib – takot
- nagbukas ng dibdib – nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan
- bulaklak ng dila – pagpapalabis sa katotohanan
- magdilang anghel – magkatotoo
- makati ang dila – madaldal, mapunahin
- mabigat ang loob – di-makagiliwan
- bukal sa loob – taos-puso, tapat
- makalaglag-matsing – nakaka-akit
- makuskos-balungos – mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin
- mahaba ang buntot – laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe
- malapad ang papel – maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong
- may magandang hinaharap – may magandang kinabukasan
- may sinasabi – mayaman, may likas na talino
- matalas ang mata – madaling makakita
- tatlo ang mata – maraming nakikita, mapaghanap ng mali
- namuti ang mata – nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay
- matigas ang leeg – mapag-mataas, di namamansin
- matigas ang katawan – tamad
- makapal ang palad – masipag
- maitim ang budhi – masamang tao, tuso
- mababaw ang luha – madaling umiyak
- makapal ang mukha – di marunong mahiya