Ito ang mga halimbawa ng mga akdang patula sa panitikan.
MGA AKDANG PATULA – Ang panitikan ay may dalawang anyo at sa anyong patula, ito ang mga halimbawa at ang kanilang mga kahulugan.
a Ingles, ang panitikan ay “literature” na mula sa salitang “pang-titik-an”. Ang panitikan ay ang mga akda na nasulat ng isang manunulat o may akda na sumasakop sa napakaraming paksa tulad ng pamumuhay, lipunan, pananampalataya, politika, at iba pa. Ang iba’t ibang mga akda ay tumatalakay ng mga emosyon tulad ng pagmamahal, kasayahan, kalungkutan, galit, pangamba at marami pang ibang mga damdamin.
Ang dalawang anyo ng panitikan ay patula at tuluyan o prosa.
Ito ang mga halimbawa ng mga patula:
- Mga Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa buhay at kagitingan ng isa o higit pa na mga tauhan.
- Awit At Korido – Ang awit ay musika na maganda sa pandinig ng mga nakikikinig. Ito ay may tono at sukat na binubuo ng liriko at sinasabayan ng mga instrumentong pang-musika. Habang ang korido naman ay isang impluwensya na nakuha natin sa mga Espanyol. Ito ay may walong pantig sa bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.
- Epiko – Ito ang uri na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ng tauhan at pakikipagtunggali nito sa mga kaaway. Ang bawat tagpo ay halos hindi mapaniwalaan at puno ng kababalaghan. May mga epikong binibigkas at mga epikong inaawit.
- Balad – Ito ay isang uri o tema ng tugtugin.
- Sawikain – Ito ay maaring tumutukoy sa mga idyoma, motto, at mga kasabihan o kawikaan.
- Salawikain – Ito ang mga maiiksing mga pahayag na makahulugan at nagsisilbing gabay para sa pang araw-araw na pamumuhay.
- Bugtong – Ito ay tumutukoy sa mga pahulaan o mga tanong na may dobleng kahulugan. Ito ay may dalawang uri: mga talinghaga (enigma) at mga palaisipan (konumdrum)
- Kantahin – Ito ay tulad din ng awit, mga musikang matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa.
- Tanaga – Isang maikling katutubong tula tungkol sa simpleng pilosopiya ng mga matatanda. Ito ay may sukat na apat na taludtod at sa bawat taludtod ay may pitong pantig.