Ang mga akdang tuluyan at kahulugan ng mga ito.
MGA AKDANG TULUYAN – Mayroong dalawang anyo ang panitikan at sa isang tuluyan na akda, ito ang mga halimbawa.
May dalawang pangunahing anyo ang panitikan: tuluyan o prosa at patula o panulaan. Ang pag-alam at pag-aral ng panitikan ay mayroon kaakibat na kahalagahan. Ang patula ay pagsusulat na may bilang, sukat, at pagtutugma-tugma ng mga salita. Ito ang mga salita na tugma ang mga dulo ng mga taludtod sa bawat isang saknong.
Ang tuluyan, sa kabilang banda ay ang paggawa ng pangungusap na may kalayaan. Ito ay nagagawa ng may karaniwang takbo sa pagpapahayag.
Mga akdang tuluyan
- Alamat – Ito ang pagku-kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay na mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
- Anekdota – Tumatalakay sa isang kakaiba o nakakatuwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang sikat na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay.
- Nobela – Isang mahabang kwento na piksyon na binubuo ng mga kabanata na nagpapakita ng kahuyasan ng manunulat sa paghabi ng isang kwento na may mga pangyayaring magkakasunod at magkaka-ugnay.
- Pabula – Ito ang kwento kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop o mga bagay na walang buhay. Ito ay hindi lamang isang kwento na kawili-wili dahil ito ay nagtataglay ng mga moral na aral para sa mga mambabasa.
- Parabula – Ito ay tinatawag din na talinghaga. Mga kwento ito na may aral at kadalasan ay kinukuha sa Bibliya. Ang parabula ay walang tauhang hayop, halaman, bagay, at iba pa pwera sa kalikasan na kumikilos at nagsasalita gaya ng isang tao.
- Maikling Kwento – Isang maigsing salaysay na may masining na pagbabalangkas tungkol sa kwento ng isang tao o ilang tauhan. Si Edgar Allan Poe ang “Ama Ng Maikling Kwento”.
- Dula – Ito ang mga tinatanghal sa isang teatro na nahahati sa mga yugto at may maraming tagpo.
- Sanaysay – Isang maiksing akda na naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda o manunulat.
- Talambuhay – Ito ang kwento ng isang tao tungkol sa buhay nito kung saan ang mga detalye at mga impormasyon ay ayon sa tunay na mga pangyayari.
- Talumpati – Ito ang kaisipan ng isang tao na kanyang ibinibahagi sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Ang layon nito ay humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman, at maglahad ng paniniwala.
- Balita – Ito ang mga pangyayari sa kasalukuyan na panahon na naganap sa labas o loob ng bansa. Ito ay nakakatulong sa mga mamamayan na maaring makita sa telebisyon, social media, isang paglilimbag, at iba pang mga paraan.
- Kwentong Bayan – Mga kwento na produkto ng pagiging malikhain ng isang manunulat.