Alamin ang iba’t ibang mga anyong tubig at ang kanilang mga katangian.
MGA ANYONG TUBIG – Malaking bahagi ng mundo ay binubuo ng tubig at ito ang mga iba’t ibang anyo na makikita sa ating bansa.
Ang kalikasan ay mayaman sa iba’t ibang mga likas na yaman. Ang mga ito ay mahalaga sa mga tao at hayop para mamuhay. Ang mga ito ay nagbibigay tirahan sa mga hayop at halaman, pagkain sa tao, at ang tubig mismo ay ginagamit sa maraming bagay tulad ng paglilinis, pag-inom, at marami pang iba.
Mga anyo at katangian nila:
- Karagatan – Ang karagatan ay isang malawak na anyo ng tubig na maalat at malalim. Ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at Karagatang Southern ang mga tanyag na dagat ng mundo.
- Dagat – Kumpara sa karagatan, ang dagat ay mas maliit ang sukat at ang ilan sa mga halimbawa nito ay Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao. Ang mga karagatan at mga dagat ang nagdudugtong ng mga bansa ng sanlibutan.
- Ilog – Ito ay isang mahabang daloy ng tubig na karaniwang dumadaloy mula sa mga bundok patungo sa dagat o lawa. Ilog ng Nile at Ilog ng Pasig ay ilan sa mga halimbawa nito. Madalas ay nakakapaghanap-buhay ang maraming tao dahil sa mga likas na matatagpuan sa mga ilog.
- Lawa – Isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupa, hindi umaagos, at matabang ang tubig. Ito ay mas malakikaysa sa isang sapa o ilog. Ito ay nabubuo mula sa mga natural na proseso tulad ng pagguho ng lupa at pagputok ng bulkan. Halimbawa nito ay Lawa ng Taal at Lawa ng Baikal.
- Sapa – Ito ay maliit na kadalasan ay natutuyo tuwing tag-init. Ito ay mas maliit sa ilog pero mas mabilis ang daloy ng tubig. Ito ay kadalasan na matatagpuan sa mga kabundukan o kagubatan.
- Talon – Isang anyo kung saan ang tubig ay dumadaloy mula sa mataas na lugar na bumabagsak sa ilalim. Isang magandang tanawin ang naibibigay nito sa mga tao at maraming mga talon sa Pilipins ang naging tourist spots.