Ano ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa? Alamin at pag-aralan.
Ang mga iba’t ibang mga pinagkukunang-yaman ng bansa – mula sa lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligiran na ginagamit ng tao sa araw-araw.
Ang mga likas na yaman na ito ay mula sa ating kapaligiran na ginagamit sa produksyon at ang mga producktong ito ay tumutugon sa ating mga pangangailangan sa araw-araw. Mayroong dalawang uri ng likas na yaman – Yamang Napapalitan at Yamang Di-Napapalitan.
Ang mga Yamang Napapalitan ay ang mga likas na yaman na madaling palitan matapos gamitin habang ang mga Yamang Di-Napapalitan ay mga likas na hindi agad napapalitan sa madaling panahon.
Mga pinagkukunang-yaman:
- Yamang Tao – Ang pangunahing salik sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Sila ang nangangalaga mga yaman na ito mula sa kapaligiran at kung wala sila, wala ring saysay masaganang yamang-likas ng bansa.
- Yamang Lupa – Dito nangagaling ang palay na nagbibigay sa atin ng bigas, ang pangunahing pagkain ng mga mamamayan. Marami pang mga produkto na makukuha natin sa lupa tulad ng punong-kahoy na pinagkukunan ng troso at prutas bilang pagkain, tabako, abaka, at marami pang iba.
- Yamang Mineral – Matatagpuan ito sa mga bulubunduking rehiyon ng bansa. Mula sa pagmimina ay makakakuha tayo ng metal, ginto, pilak, tanso, nikel, at marami pang iba. Ang Mountai Province, Paracale, Masbate, at Surigao ay may malalaking deposito ng ginto.
- Yamang Gubat – Dito nanggagaling ang mga tabla, plywood, at veneer at ang malawak na kagubatan ay ginagawa rin na pastulan ng mga hayop at tirahan ng mga maiilap.
- Yamang Tubig – Ang Pilipinas ay napapaligiran ng iba’t ibang anyong tubig kaya bukod sa pagsasaka, pangingisda ang isa sa mga pangunahing kabuhayan ng maraming Pilipino. Mayroon tayong mga dagat, ilog, at lawa.
- Yamang Hayop – Mayroong mga hayop na tanging Pilipinas lamang ang mayroon tulad ng tamaraw sa Mindoro, tarsier sa Bohol, at ang mouse deer sa Palawan.