Ano-ano ang mga sinaunang kabihasnan sa Mainland?
Ang Timog Silangang Asya ay nahahati sa dalawa at ito ang mga sinaunang kabihasnan sa Mainland Southeast Asia (Pangkontinente).
Ang dalawang bahagi na bumubuo ng Timog Silangang Asya ay ang Mainland Southeast Asia (Pangkontinente) at Insular Southeast Asia (Pangkapuluan). Ito ay binubuo ng mga bansang Thailand, Cambodia, Laos, Vietnam, Myanmar (dating kilala bilang Burma), at Malaysia.
Ito ay may mga yugto ng ilan sa mga malalaking imperyo sa kasaysayan, tulad ng Kahariang Khmer sa Cambodia at Imperyong Thai sa Thailand. Sa bahaging ito, alamin ang mga kabihasnan na bumuo dito.
Ang mga kabihasnang ito ay ang mga sumusunod:
- Funan – Ito ang kabihasnan na umusbong sa ika-1 siglo CE na umabot hanggang sa ika-7 siglo CE. Ito ang isa sa mga pinakamakapangyarihan at pinaka-maimpluwensya na kabihasnan. Bigas ang pangunahing produkto nila at sila ay may sistemang kanal na nagdudugtong sa bawat gusali at mga pamamahay. Sila ay nasakop ng Chenla.
- Angkor (Khmer) – Ito ang Cambodia sa kasalukuyan na itinatag noong 500 BCE. Si Jayavarman II ang pinakadakilang hari ng Khmer. Sa ilalim ng pamumuno nito natamo ng imperyo ang tugatog ng kanilang kapangyarihan. Noong 1430, humina sila at ang kanilang kapangyarihan dahil sa rebelyon ng kaharian na kanilang sinakop.
- Pagan – Isang makapangyarihang kaharian sa kasalukuyang Myanmar. Sila ay namayani mula sa ika-9 CE hanggang ika-13 siglo CE. Ito ang kabihasnan na naging sentro ng kulturang Buddhist. Pyinbya ang nagtatag nito at ilan sa mga mahuhusay na pinuno ay sina Anawrahta at Kyanzithha. Bumagsak sila dahil sa pananalakay ng mga ibang pangkat.
- Toungoo – Ito ay tinatawag din na Taungoo, ang dinastiya na nagsimula gitna ng 16th century hanggang sa 1752. Ang mga hari na sina Tabinshwehti at Bayinnaung ay nagtagumpay sa pag-iisa ng mga teritoryo ng Pagan. Sa panahon ng tugatog ng kanilang tagumpay, sila ang pinakamalaking imperyo sa Timong Silangang Asya. Matapos ang kamatayan ni Bayinnaung noong 1581, unti-unting bumagsak ang kanilang kaharian.
- Lê – Ayon sa mga arkeolohikal na ebidensya, ang kanilang ekonomiya ay nakasentro sa agrikultura at palay ang kanilang pangunahing produkto. Sa kanilang pananampalataya, umunlad sa panahong ito ang Budismo at Hinduismo. Ito ay umunlad mula sa ika-2 siglo hanggang ika-15 siglo at karaniwang umiral sa mga bahagi ng Vietnam, Laos, at Cambodia.
- Ayutthaya – Itinatag ito ni U Thong. Sa panahong ito natatag ang darmasastra, isang kodigong legal na nakabatay sa tradisyung Hindu at Thai. Bumagsak ang kahariang ito dahil sa pakikidigma sa Burma.