Ano ang mga halimbawa ng mga suliraning pangkapaligiran?
MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN – Ito ang mga hamon na ating kinakaharap at ito ang ilang mga halimbawa ng mga problemang ito.
Ang pag-aalaga ng kapaligiran ay nagsisimula sa pag-unawa at pag-intindi ng mga sanhi at bunga ng mga suliraning nagsisilbing malaking hamon sa marami. Mula sa pag-unawa ay makakagawa ang mga tao ng solusyon bilang tugon sa mga problemang ito.
Sa kapaligiran nagmumula ang ating mga likas na yaman kung saan tayo kumukuha ng mga hilaw na materyales para sa paggawa ng mga produkto. Hindi lamang natutugon ang pangangailangan ng mga tao sa pamamagitan nito kundi napapaunlad din ang buhay at ang ekonomiya at nagkakaroon ng hanapbuhay o pagkakakitaan ang mga tao.
Subalit hindi maiiwasan ang mga abusadong tao at ang pang-aabuso ay nagre-resulta sa pagkasira ng kalikasan na siyang nagiging sanhi ng iba’t ibang mga suliranin.
Ilan sa mga suliraning ito ay:
- Solid Waste – Ito ang mga basura mula sa mga residesnyal at komersyal. Ito ang mga basura na nakikita sa paligid na nagmumula sa agrikultura at iba pa na hindi nakakalason. Dumadami ng dumadami ang basura dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao. Tapon dito, tapon doon na nagpapalala ng problema sa baha at nagpapalaganap ng mga insekto na may dalang sakit.
- Patuloy na pagdami ng tao o overpopulation – Ito ay dahil sa kakulangan ng tao sa pag-alam at pagsunod ng family planning, pagtaas na birth rate, pagbaba ng death rate, pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, kakulangan ng kaalaman tungkol sa paggawa ng bata, hindi paggamit ng contraceptives, at marami pang iba. At dahil sa hindi mapigilang dami ng tao, nauubos ang mga likas na yaman, paglala ng polusyon, pagdami ng krimen, pagtaas ng bilang ng walang trabaho, at environmental degradation.
- Polusyon sa Hangin – Ito ay dahil sa pagdami ng mga tao na gumagamit ng sasakyan, usok mula sa industriya, pagsusunog ng basura, at sunog sa kagubatan. Dahil dito, lalaganap ang mga pulmonary diseases tulad ng tuberculosis at pagkasira ng ozone layer.
- Global Warming – Isa sa mga dahilan nito ang overpopulation, deforestation, pagkasira ng ozone layer, at pagtaas ng lebel ng carbon dioxide sa atmospera. Ang ilan sa mga epekto ng global warming ay pagtaas ng temperatura, pagtaas ng sea level, paglaganap ng mga sakit, pagkamatay ng halaman at hayop, pagkasira ng likas na yaman, at pagkasira ng kabuhayan ng tao.
- Deforestation o Pagkasira ng Kagubatan – Ito ang isa sa mga malaking problema ng mundo – ang tahasang pagkawasak ng kagubatan na may masamang dulot sa natural ecosystem. Nababawasan ang ating mga likas na yaman dahil sa pagkasira nito. Hindi dali-daling napapalitan ang mga punong pinutol na may ilang libong taon nang nabubuhay sa kagubatan. Sa pagkawala ng mga puno, nanganganib ang maraming species ng mga halaman at hayop. Nanganganib din ang kanilang mga natural habitat at ang epekto ng walang habas na pagputol ng mga puno sa tao ay pagbaha, pagguho ng lupa, siltasyon, at sedimentation. Pilipinas ang isa sa mga bansa na may inakamabilis na antas ng deforestation.