Ano ang mga uri ng pagsasalaysay at ang layunin ng mga ito.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY – Ito ay may layuning magkwento ng mga pangyayari at ito ang iba’t ibang uri nito.
Ang pagsasalaysay ay paglalatag ng mga karanasan bilang isang paraan para magbahagi at magpahayag ng mga damdamin, karanasan, at kwento na kanilang naranasan o narinig. Dahil dito, ang tagapagsalaysay ay nakakapagbigay ng detalye, kaganapan, at emosyon na may kaugnayan sa isang pangyayari mula sa kanyang pananaw.

Ang pagsasalaysay ay maaring pasalita at pasulat at ilan sa mga maaring pagmulan nito ay ang ating mga karanasan at nakikita sa kapaligiran.
Iba’t ibang uri
- Maikling kwento
Isang uring ng panitikan na maaring matapos basahin sa isang upuan lamang. Ang isang maikling kwento ay kakaunti ang tauhan, isa ang tagpuan, at may isang paksang pinag-uusapan. - Alamat
Ito ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. - Anekdota
Ito ay nagsasalaysay ng mga tunay na naganap sa buhay ng isang tao na maaring nakakatuwa o nakakalungkot. - Talambuhay
Ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaaring ang tao mismo ang nagsulat o sinulat ng iba para sa kanya. - Tulang Pasalaysay
Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. - Dulang Pandulaan
Ito ay nagsasalaysay ng bawat kilos ng tauhan, panlabas na kaanyuan kasama na ang ayos ng buhok at pananamit, at mga gagamitin sa bawat tagpuan. Ito ay ginagawa para itanghal. - Nobela
Ito ay isang kwento na nahahati sa kabanata. Marami ang tauhan, mga tagpuan, at maraming mga masalimuot na pangyayari. - Kasaysayan
Ito ay nagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari na naganap sa isang tao, pook, o bansa. - Tala Ng Paglalakbay
It ay nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran, pagbiyahe, at paglalakbay sa isang lugar.
Mga katangian ng pagsasalaysay
- Makatawag-pansin ang pamagat.
- Mahalaga at makabuluhan ang paksa.
- Makabuluhan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
- Kawili-wili ang simula at wakas.