Alamin ang mga halimbawa ng mitolohiya sa Pilipinas at ang kahulugan nito.
MITOLOHIYA SA PILIPINAS – Ito ang kalipunan ng mga kwento tungkol sa diyos at diyosa, bayani, halimaw, at iba pang mga nilalang.
Ang mga mitolohiya ay bahagi ng kultura at panitikan ng mga sinaunang Pilipino na buhay pa rin hanggang ngayon. Ito ay tungkol sa diyos at diyosa, mga nilalang, at pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ang mga kwentong ito ay iba-iba ayon sa rehiyon at etnolinggwistikong grupo.

Ang mga pangunahing diyos at diyosa ay:
- Bathala – Ang diyos ng mga Tagalog, ang pinakamakapangyarihan at lumikha ng mundo.
- Amanikable – diyos ng dagat (Tagalog)
- Mayari – anak ni Bathala na diyosa ng buwan at kapatid ni Apolaki
- Apolaki – diyos ng araw at digmaan
- Tala – diyosa ng mga bituin
Ilan sa mga kwentong pinagmulan na popular ay Alamat ng Paglikha ng Mundo. Ito ay tungkol sa paglikha ni Bathala, Ulilang Kaluluwa, at Galang Kaluluwa ng mundo. Si Malakas at Maganda ay ang kwento ng pinagmulan ng tao. Sila ay nagmula sa loob ng isang malaking kawayan.
Ang mga nilalang sa mitolohiya ay:
- Aswang
- Diwata
- Duwende
- Engkanto
- Juan Tamad
- Malakas at Maganda
- Mambabarang
- Mananggal
- Mankukulam
- Mariang Makiling
- Nuno Sa Punso
Mga maalamat o mitikal na mga hayop ang Pilipinas:
- Bakunawa
- Ekek
- Kapre
- Manaul
- Sarimanok
- Sigbin
- Sirena
- Siyokoy
- Tikbalang
- Tiyanak
Ito ang kwento ni Malakas at Maganda
Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkot ang Diyos sapagkat wala Siyang makita o marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto, at ang langit ay napapalamutian ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kumukutikutitap ang libo-libong mga bituin. Inaangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito’y itinurong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga lunting kahuyan ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang mga bulaklak. Ang mga dagat ay umalon, at ang mga ilog ay umagos.
Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-awitan. Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.
Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga
pakpak at paimbulog na pababa sa kahuyán. Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin.Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.
“Tok! Tok! Tok!”
Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!”
“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Mayamaya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibon palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli.
Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
“Salamat sa iyo, dakilang hari ng mga ibon! Ako’y si Malakas. Tuktukin mong muli ang kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!”
Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan. Isang mahinhin at magandang babae ang lumabas. “Ito’y si Maganda, ang aking asawa. Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging kasama namin habambuhay!”
“Hindi maaari. Maraming salamat,” sagot ng ibon. “Ako ay ibon at ang tahanan ko ay malawak na papawirin. Ako’y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako’y wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang mga awit na inawit ko!”
“Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at ipakikita sa inyo ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!”
Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa sikat ng araw. Ang mga ito’y tulad ng tinuhog na kuwintas na isang mahalagang hiyas! Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang mag-asawang Malakas at Maganda ama’t inang pinagmulan ng lahing kayumanggi.