Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal (Mga Halimbawa)

Ano ang mga pagkakaiba ng balbal at kolokyal? Alamin at pag-aralan.

PAGKAKAIBA NG BALBAL AT KOLOKYAL – Alamin ang pagkakaiba ng mga ito at ang mga halimbawa para mas maunawaan.

Ang mga salitang balbal at kolokyal ay ang mga salita na itinuturing na di-pormal. Marami sa atin na minsan ay namamali sa dalawa at para mas maunawaan ang kanilang mga pagkakaiba, alamin ang kanilang mga kahulugan at mga halimbawa.

Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal

Ano ang balbal? Ito ay tinatawag na salitang kanto o salitang kalye na kadalasan ay ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap.

Ito ay mahalaga sapagkat:

  1. May dinamismo ang wika na nagpapakita na buhay ang wika at patuloy na nagbabago kasama ang panahon ayon sa uso at pangangailangan ng wika.
  2. Ito ay ginagamit para magpahayag ng pagkakakilanlan ng isang grupo at nagpapakita ng pagkakaiba sa iba.
  3. Mas mabilis at mas magaan ang pakikipag-usap sa loob ng isang grupo.
  4. Ito ay sumasalamin sa kalagayan ng panlipunan dahil kadalasan, ang mga salitang ito ay nagmula sa karanasan at realidad.
  5. Ito ay bahagi ng kasaysaya.

Ano ang kolokyal? Ito ay ang pag-iiksi ng mga salita o grupo ng mga salita na ginagamit din sa pang-araw-araw na pag-uusap.

Ito ang mga halimbawa:

BalbalKolokyal
syota – kasintahan
datung – pera
olats – talo
todas – patay
purita – mahirap
erpat – ama
ermat – ina
yosi – sigarilyo
tsimay – katulong
baliw – may sira sa ulo
kosa/pare – kaibigan
Pinoy – Pilipino
tsekot – kotse
gasmati – matigas
adidas – paa ng manok
goli – ligo
tipar – handaan
parak – pulis
chong – tiyo/tsong
tsismis – usap-usapan
repapits/pards/bok – tawagan ng mga magbabarkada
dehins – hindi
bakokang – peklat
utol – kapatid
arbor – hingin ng libre
sisteret – kapatid na babae
chibog – pagkain
dyogs – parte ng katawan ng babae
pak ganern – pak ganon
wa epek – walang epekto
akech – ako
pulbo – powder
amats – may tama, naka-inom ng alak
chaka – hindi maganda
dabyana – mataba o may kabilugan ang katawan
fes – mukha
pudra/fadir – tatay o ama
mudra/mader – nanay o ina
kalokalike – magka-wangis o magkamukha
maharot – malikot
malabs – mahal ko
okray – akto ng pagbibiro
patok – kasalukuyang moda
payatot – manipis ang pangangatawan
pipol – mga tao
sinetch itey – sino ito
swak – husto o eksakto
tsikiting – mga bata
kabit – taong kinakasama bukod sa asawa
bebot – dalaga
Ay Hesus! – aysus!
Mayroon – meron
Dalawa – dalwa
Diyan – dyan
Kwarta – pera
Nasaan – nasan
Paano – pano
Sa Akin – sakin
Kailan – kelan
Kamusta – musta
Ganoon – ganun
Puwede – pede
At saka – tsaka
Kuwarto – kwarto
Pahinge – penge
Naroon – naron
Inalisan – inalsan
Kaunti – konti
Beinte – bente
Dalawampu – dalwampu
Puwitan – pwetan
Walang pakialam – lampaki o lampake
Pakialam – paki
Hindi ba? – diba?
Eh ‘di – edi
Kinain – nakain
Bakit? – ba’t?
Asong-kalye – askal
Pusang-kalye – pusakal
Pinsan – insan
Kapisan – pisan
Ayaw ko – ayoko
Saan ba? – san ba?
Piyesta – pista
Ay, hintay! – antay!
Inilaban – nilaban
Ipinangako – pinangako
Isinalba – sinalba
Ipinahiya – pinahiya
Ikinuwento – ikinwento
Ikinuwenta – kinwenta
Pang-madalian – panandalian
Ikinukubli – kinukubli
Probinsyano – promdi
Tatay – erpat
Kabarikada – barkada
Halika – lika
Doon – dun
Kani-kaniya – kanya-kanya
Pulis – Parak

Leave a Comment