Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas Ayon Sa Kasaysayan

Ano ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa kasaysayan?

PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS – Alamin ang Treaty of Paris, Washington Treaty, Arbitrasyon ng Pulo ng Palmas, at iba pa.

Ano ang teritoryo? Ito ay isang elemento na mahalaga sa isang estado. Ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak at hangganan na sakop ng isang lugar at dito malalaman ang sakop na lugar ng isang estado ayon sa hurisdiksyon. Ang Pilipinas ay isang arkipelago dahil ito ay binubuo ng mga malalaki at maliliit na mga pulo na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.

Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas

Mahalaga na matiyak ang pambansang teritoryo ng isang bansa upang tiyakin na walang dayuhan ang makikialam sa bansa.

Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris

Ito ay nangyari noong Disyembre 10, 1898, isang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya sa Paris. Sa kasunduang ito, ibinibigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang dalawampung milyong dolyar ($20,000,000.00).

Kasunduan sa Washington o Washington Treaty

Ito nilagdaan noong Nobyembre 7, 1900 at nagkaroon ng bisa noong Marso 23, 190. Ang kasunduang ito sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay may probisyon ng mga dagdag na lugar sa teritoryo ng Pilipinas. Nasasaad dito na:

Sinusuko ng Espanya sa Estados Unidos ang lahat ng titulo at mga pag-angkin sa titulo; na maaaring mayroon siya noong oras ng pagtatapos ng Kasunduan ng Kapayapaan sa Paris, sa alinman at sa lahat ng mga pulo isla na kabilang sa Arkipelago ng Pilipinas, na namamalagi sa labas ng linya na inilarawan sa Artikulo III ng Kasunduan at lalo na sa mga pulo ng Cagayan Sulu at Sibutu at ang kanilang mga dependensiya, at sumasang-ayon na ang lahat na ang tulad na mga pulo ay kailangang intindihin nasa kompromiso ng Arkipelago bilang ganap na para bagang sila ay nakasama sa loob ng mga linya.

Arbitrasyon ng Pulo ng Palmas

Noong 1925, ipinasakorte ng Pilipinas at Netherlands ang karapat-dapat na umangkin ng Palmas Island, at noong 1928, pumanig ang desisyon sa Netherlands.

Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya

Ito ay nangyari noong Enero 2, 1930, kung saan ang Estados Unidos at Gran Britanya ay nagkasundo sila sa hangganan ng Hilagang Borneo. Ang mga pulo ng Turtle at Mangsee ay sakop din ng Pilipinas.

Ang Konstitusyon ng 1935

Naging bahagi ng Pilipinas ang Batanes.

Atas ng Pangulo Bilang 1596

Noong Hunyo 11, 1978, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Atas ng Pangulo Bilang 1596 na umaangkin sa mga pulong nasa teritoryo ng Pilipinas. Ito ay ang Kalayaan o Spratly Islands at Panatag o Scarborough Shoal.

Leave a Comment