Panghalip Na Panao At Halimbawa Sa Pangungusap

Pag-aralan kung ano ang panghalip na panao at paano gamitin sa isang pangungusap.

PANGHALIP NA PANAO – Alamin at pag-aralan ang isa sa mga uri ng panghalip na ito at ang gamit nito sa isang pangungusap.

Ang panghalip may iba’t ibang uri at ang isa sa kanila ay panghalip na panao. Sa pinakasimpleng salita, ito ay mga panghalili sa pangngalan ng tao. Ito ay may tatlong kakanyahan: kaukulan, panauhan, kailanan.

Panghalip Na Panao

ANG TATLONG KAUKULAN

  • Palagyo – ang simuno at kaganapang pansimuno.
PanauhanIsahanDalawahanMaramihan
Unaakotayotayo, kami
Ikalawaikaw, kakayokayo
Ikatlosiyasilasila

Mga halimbawa:

  1. Ako ang bunsong anak.
  2. Siya ang pinakahuling estudyante sa linya.
  3. Kami ang tutulong sa matanda.
  • Paari – ginagamit ang panghalip kung tumutukoy ito sa tao na nagmamay-ari ng bagay.
PanauhanIsahanDalawahanMaramihan
Unaakinaminatin, amin
Ikalawaiyoinyoinyo
Ikatlokanilakanilakanila

Halimbawa:

  1. Ang aming munting tahanan.
  2. Ang pagkain namin ay kakaunti at hindi sapat.
  3. Atin ang sasakyan na ito.
  • Paukol o Palayon – ang panghalip ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at tagaganap ng pandiwa na nasa tinig balintiyak.
PanauhanIsahanDalawahanMaramihan
Unakonatin, naminnatin, namin
Ikalawamoninyoninyo
Ikatloniyanilanila

Halimbawa:

  1. Ibinigay ko na sa kanya ang bulaklak.
  2. Ipinamigay niya ang mga tuta.
  3. Huwan nating tularan ang kanyang kasamaan.

PANAUHAN

  • Unang Panauhan o ang taong nagsasalita – ako, ko, kita, tayo, natin, atin, kami, namin
  • Ikalawang Panauhan o ang taong kinakausap – ikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo
  • Ikatlong Panauhan o ang taong pinag-uusapan – niya, kanya, sila, nila, kanila

Halimbawa:

  1. Ako na ang magsisintas ng iyong sapatos.
  2. Ikaw lang ang aking gusto.
  3. Nasa kanya pa rin ba ang iyong puso?

KAILANAN

  • Isahan o ang taong binanggit ay isa lang – ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya
  • Dalawahan o ang taong binanggit ay dalawa lamang – kita, tayo, kayo, inyo, sila, nila, kanila
  • Maramihan o ang taong binanggit ay marami o isang grupo – tayo, kayo, amin, atin,

Halimbawa:

  1. Siya ba ang nagnakaw ng bag mo?
  2. Tayong dalawa lang ba ang pupunta sa lamay?
  3. Sa aming grupo ka na makisali!

Leave a Comment