Mga detalye tungkol sa panitikan sa panahon ng Amerikano. Alamin at pag-aralan.
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO – Ito ang mga naging impluwensya ng mga Amerikano sa panitikang Pilipino.
Ang Pilipinas ay nasakop ng iba’t ibang lahi at ang mga Espanyol ang may pinakamatagal na pananakop sa bansa. Malagim ang ang mga panahong ito pero hindi maikakaila ang mga bagay ngayon na nag-ugat mula sa pananakop nila, lalo na sa ating panitikan.
Ang panitikan sa panahon ng Espanyol ay ibang-iba sa panahon nung sinakop tayo ng mga Hapon. At maliban sa mga Espanyol at Hapon, ang mga Amerikano ay napunta rin sa ating bansa at tinuro nila sa ating mga katutubo ang mga kanluraning aral.
Ano ang mga ambag ng mga Amerikano sa ating panitikan?
Sa panahon ng Amerikano, ang hangarin na nais makamit ay kalayaan, marubdub na pagmamahal sa bayan, at patutol sa kolonyalismo at imperialismo. Ang mga diwang nanaig ay nasyonalismo, kalayaan sa pagpapahayag, paglawak ng karanasan, at paghanap ng mga bagong pamamaraan at gamitin ito.
Ang ilan sa kanilang mga impluwensya ay:
- pagpapatayo ng mga paaralan
- pagbago ng sistema sa edukasyon
- pinaunlad na kalusugan at kalinisan
- paglalahok ng mg Pilipino sa pamahalaan
- paggamit ng mga salitang Ingles
Mga pahayagan sa panahong ito:
- El Grito Del Pueblo (Ang Sigaw/Tinig Ng Bayan) ni Pascual Poblete
- El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena
- El Renacimiento (Muling Pagsilang) ni Rafael Palma
- Manila Daily Bulletin noong 1900
Mayroong tatlong pangkat ng mga manunulat. May mga manunulat na maka-Kastila, maka-Ingles, at maka-Tagalog. Naging laganap din ang romantisismo – emosyonal, moralistiko, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, matayog na imahinasyon, at kalayaang sarili.
Ang Romantisismo sa Panitikan
Napadampot ng mga Pilipino ang banyagang romantisismo pero hindi lubus-lubusan. Ang mga Pilipino ay may kakayahan na gamitin ang mga hiram kasama ang mga pansariling elemento mula sa kulturang Pilipino. Ilan sa mga naging paksa ay ang pag-iibigan ng isang mahirap at mayaman, isang katutubo mula sa isang lalawigan, taga-lunsod na mambabasa, at iba pa. Nangingibabaw ang Kristiyanismong aral na ang masama ay pinarurusahan at ang mabuti ay ginagantimpalaan.
Ang dalawang samahan ng mga manunulat:
- Panahon Ng Aklatang Bayan
- Ilaw at Panitik
Mga manunulat sa Panahon Ng Aklatang Bayan
- Jose Corazon De Jesus
- Lope K. Santos
- Pedro Gatmaitan
- Inigo Ed Regalado
- Florentino Collantes
- Julian Cruz Balmaceda
- Severino Reyes
- Patricio Mariano
Ang mga makata ng panahon ng Ilaw at Panitik
- Amado V. Hernandez – ang makata ng manggagawa
- Julian Cruz Balmaceda – haligi ng panitikang Pilipino
- Ildefonso Santos – kilalang makita na may katayugan ang diwang pinapahayag