Ano ang panitikan sa panahon ng ikatlong republika? Alami at pag-aralan.
PANITIKAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA – Ito ang estado ng panitikan ng bansa matapos masailalim sa Batas Militar.
Ang Pilipinas ay napasailalim sa Batas Militar at matapos nito, ang bansa ay nagtamasa ng mga pagbabago. Ang Pilipinas ay naging isang bagong bansa ulit o tinatawag ng mga mananalaysay na Panahong ng Ikatlong Republika. Ang Unang Republika ay sa panahon ni Emilio Aguinaldo at ang Pangalawang Republika ay ang panahon kung kailan tayo nakalaya sa mga Amerikano.

Ang panitikan ay isang sining na gumagamit ng wika para maghayag ng mga saloobin, kaisipan, damdamin, at karanasan. At ang bawat uri ng panitikan ay may kanya-kanyang layunin, anyo, at estilo ng pagpapahayag ng mensahe at mga aral na nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa.
Ang panitikan sa Ikatlong Republika
Sa panahong ito, ang paghihirap ng bansa ay patuloy na nag-alab ng pagtutol at pagpupuyos ng damdamin ng mga tao. Mas lalo pang nag-alab ang ganitong damdamin nang mamatay ang idolo ng masang Pilipino na si Benigno Aquino, Jr. Siya ay isang senador at kilala bilang isa sa mga nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa mula sa diktatoryal.
Marami ang sumulat tungkol sa pakikisama, paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, pulitika, at imperyalismo.
Ang mga tula ay nagsibol ng rebolusyonaryong damdamin at lantaran ang pagtuligsa sa pamahalaan. Ang mga hinaing ay sa salita ay maapoy, marahas, makulay at mapagtungayaw.
Mga halimbawa:
- Uod ni Rodolfo Salandanan
- Pilipinas, Sawi Kong Bayan ni Francisco Rodrigo
Uod
ni Rodolfo Salandanan
Isang subong kanin sa lipaking palad
Ang tititigan ng matang malungkot
‘sang kimis na awa na magiging lunas
sa nanghapding sa pamamaluktot.
“nahan Bathala
Ang iyong kalinga.
‘Sang yayat na pisngi
Ang dinadaluyan ng namuong
Luhang hindi masawata
Mga labing mamad at tiim na bagang
Ang naghihimagsik sa pagdaralita
O nahan ang tunay
Na batas ng buhay.
Isang pinggan tigib at saganang hapag
Ang buong ganang pinagsasaluhan
Ng mga nilikhang kung saan nabuhay at saan
nanggaling ay hindi malaman
O bayan kong sinta…
Ikaw ba’y akin pa?
Ang mga paksa ng musika ay tungkol sa kalungkutan, pagdadalamhati, kahirapan, paghangad ng tunay kalayaan, at pag-ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa.
Laganap at tinatangkilik din ng mga tao ang mga pahayagan, komiks, magasin, at iba pang mga babasahin.
Mga tulang nagwagi sa Palanca mula 1981 hanggang 1985:
- 1981
Taga Sa Bato ni Romulo Sandoval - 1982
Odyssey Ng Siglo ni Cresenciano C. Marquez Jr. - 1983
Sa Panahon Ng Ligalig ni Jose F. Lacaba - 1984
Bakasyunista ni Tomas Agulto - 1985
Punta Blangko ni Mike Bigornia
Mga maikling kwento na nagwagi sa Palanca mula 1981 hanggang 1985:
- 1981
Di Mo Masilip Ang Langit ni Benjamin Pascual - 1982
Tatlong Kwento Ng Buhay Ni Juan Candelabra ni Lualhati Bautista - 1983
Pinagdugtong-dugtong Na Hininga Mula Sa Eskinitang Pinagpiyestahan Ng Mga Bangaw ni Agapito M. Lugay - 1984
Sa Kaduwagan Ng Pilikmata ni Fidel Rillo Jr. - 1985
Unang Binyag ni Ernie Yang