Ano ang propesyunal pagsulat at ano ang mga saklaw nito?
PROPESYUNAL NA PAGSULAT – Ito ang anyo kung saan ginagamit para sa isang tiyak na propesyon o trabaho at ito ang mga layunin nito.
Ano ang propesyunal na pagsulat? Ito ang mga sulatin na may kinalaman sa isang tiyak na propesyin o larangan.

“Ito ay ang pagsulat na ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Ilan sa mga saklaw nito ang mga police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, legal forms, briefs, at pleadings ng mga abogado, at patients’ journal para sa mga doktor at nurses.”
Ito ang mga sulatin na nagtatalakay ng mga paksa na many kaugnayan sa larangan ng manunulat. Ito ay naglalaman ng mga teorya at datos mula sa masusing pananaliksik gamit ang mga salitang mahusay na pinili. Mayroong istilong angkop para sa sulating ito at ito ay maaring maging basehan ng mga karagdagang kaalaman, debate, at pagtawag ng pansin para sa isang tamang aksyon.
Ang sulating ito ay nakakatulong din para gumawa ng tamang desisyon. Ito ay higit na naiiba sa malikhaing pagsulat sapagkat ito ay gumagamit ng pormal na tono. Ito ay ginagamit sa mga akademikong institusyon, non-governmental organizations, non-profit organizations, at marami iba sa iba’t ibang larangan.
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sulating ito?
- Alamin at tukuyin ang layunin ng iyong pagsulat para magkaroon ng mas malinaw at mas malalim na pag-unawa sa paksa o mensahe na nais iparating.
- Maging direkta sa iyong punto at gumamit ng mga salita na maiksi at malinaw.
- Alamin at kilalanin ang iyong mga mambabasa.
- Bigyang pansin ang organisasyon ng iyong sulatin o ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ideya para mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa.
- Kilalanin ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon.
- Piliin ang angkop na mga salita.
- Gamitin ang mga tamang bantas, gramatika, at pananda.