Ano ang reperensyal na pagsulat at ano ang mga saklaw nito?
REPERENSYAL NA PAGSULAT – Ito ang uri ng sulatin na ang layunin ay maglahad ng impormasyon batay sa mga pinagkakatiwalaang sanggunian.
Ang isang reperensyal na sulatin ay nagbibigay ng mga sanggunian o reperensya na ginagamit sa isang partikular na paksa. Ang mga ito ay karaniwan na ginagamit sa mga libro, pananaliksik, at iba pang mga gawain na pang-akademiko. Ito ay isa sa mga pangunahing anyo ng pagsulat sa larangan ng akademya, agham, at pananaliksik.

Isa sa mga pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng kredibilidad sa mga ideya na isinasaad sa isang teksto. Bilang respeto sa orihinal na may akda ng mga sanggunian, dapat na binabanggit ang mga awtor o pinagmulan ng impormasyon. Ito ay para na rin maiwasan ang paglabag sa plagiarism o pangongopya.
Saan ito nagagamit? Ito ay nagagamit sa mga research paper, thesis, scientific report, at review of related literature. Ang mga sanggunian ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay at argumento at dahila sa batayan na ito, nagiging mas sistematiko, lohikal, at kapani-paniwala ang nilalaman ng isang sulatin.
Mga uri ng tekstong reperensyal:
- Abstrak – Buod ng mga mahahalagang nilalaman ng isang aklat, artikulo,o iba pang mga babasahin.
- Almanac – Ang taunang mga impormasyon, pangyayari, katotohanan, petsa, at istatistika.
- Diksiyonaryo – Mga tala ng mga salita na may maikling pagpapakahulugan at nagkakasunod-sunod ayon sa alpabeto.
- Bibliograpiya – Isang sistematikong listahan ng mga gawa at nagamit ng mga babasahin tulad ng sangguniang aklat, pahayagan, magasin, journal, at iba pa.
- Direktoryo – Listahan ng mga tao, lugar, organisasyon, kompanya, institusyon, at iba pa na may mga mahalagang detalye at impormasyon.
- Handbook – Naglalahad at nagbibigay ng mga totoong impormasyon.
- Yearbook – Isang taunang publikasyon na karaniwang inilalabas ng mga paaralan, kolehiyo, o unibersidad.
Para maging isang epektibo ang isang sulating reperensyal, dapat na maayos ang pananaliksik na sanggunian, tama ang pagbanggit ng mga sanggunian, at organisadong paglalahad ng ideya.