Sagisag Ng Bansa At Mga Ibig Sabihin Nito

Ano ang mga sagisag ng bansa at ang kanilang mga kahulugan?

SAGISAG NG BANSA – Ito ang mga simbolo na kumakatawan sa Pilipinas at bawat simbolo ay mayroong malalim na kahulugan.

Ano ang mga sagisag ng Pilipinas? Ito ang mga mahahalagang simbolo ng Pilipinas na kumakatawan sa ating kalayaan at katapangan ng mga Pilipino na nakipaglaban para sa ating bansa. Ang mga ito ay sumisimbolo ng ating mayaman at makulay na kasaysayan, kultura, at mga pagpapahalaga.

Sagisag Ng Bansa

Ito ang ilan sa mga pangunahing sagisag na kumakatawan sa Pilipinas:

  • Pambansang Watawat
    Ito ay itinahi nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad at unang iwinagayway noong Hunyo 12, 1898, kung kailan unang naipahayag ang kalayaan ng Pilipinas.
    • Ang bughaw ay simbolo ng kapayapaan, katotohanan, at katarungan.
    • Ang pula ay simbolo ng katapanganng mga Pilipino na handang mamatay na lumalaban para sa bansa at dugo ng mga bayani
    • Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at kaligtasan sa kasamaan.
    • Ang araw at tatlong bituin ay nasa loob ng puting tatsulok. Ang walong sinag ng araw ay sumisimbolo sa unang walong lalawigan na nakipaglaban sa Espana: Maynila, Laguna, Pampanga, Cavite, Bulacan, Nueva Ecija, Batangas at Tarlac habang ang tatlong bituin ay ang tatlong malalaking pulo: Luzon, Visayas, at Mindanao.
  • Pambansang Awit
    Ito ay ang “Lupang Hinirang” na nilapatan ng liriko ni Jose Palma mula sa himig ni Julian Felipe.
  • Ang Pambansang Selyo at Eskudo ng Pilipinas na gamit mula pa noong Hulyo 4, 1946 sa bisa ng Konstitusyong Pilipinas ng 1987; Kodigong Administratibo ng 1987; Batas Republika Blg. 8491.

Iba pang mga pambansang sagisag ng Pilipinas:

  • Pambansang Wika (ayon sa Atas Tagapagpaganap Blg.134 (1937); Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987)
    • Filipino
  • Pambansang Puno (ayon sa Proklamasyon Blg. 652; 1934)
    • Narra
  • Pambansang Sawikain (ayon sa Batas Republika Blg. 8491; 1998)
    • Makadiyos, Makatao, Makakalikasan, Makabayan
  • Pambansang Ibon (ayon sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 615; 1995)
    • Agila
  • Pambansang Bulaklak (ayon sa Proklamasyon Blg.652; 1934)
    • Sampagita
  • Pambansang Laro (ayon sa Batas Republika Blg.9850; 2009)
    • Arnis
  • Pambansang Hiyas (ayon sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 905; 1996)
    • Mutya

Ibang mga sagisag na idineklara pero hindi pa opisyal at hindi ayon sa konstitusyon.

Ilan sa mga ito ay:

  • Pambansang Bayani
    Dr.Jose Rizal
  • Pambansang Sayaw
    Cariñosa
  • Pambansang Dahon
    Anahaw
  • Pambansang Prutas
    Manga
  • Pambansang Hayop
    Kalabaw
  • Pambansang Isda
    Bangus
  • Pambansang Pagkain
    Lechon
  • Pambansang Tirahan
    Bahay-Kubo
  • Pambansang Damit ng Lalaki
    Barong
  • Pambansang Damit ng Babae
    Baro at Saya
  • Pambansang Sasakyan
    Kalesa
  • Pambansang Sapin sa Paa
    Bakya

Leave a Comment