Ano ang mga bahagi ng sektor ng agrikultura? Alamin at pag-aralan.
SEKTOR NG AGRIKULTURA – Malaking bahagdan ng ekonomiya ang itinataguyod ng agrikultura at ito ang mga iba’t ibang bahagi nito.
Maraming mga sektor ng ekonomiya ang dumedepende sa sektor ng agrikultura. Ang agrikultura, ayon sa Artikulo XII Seksyon 1 ng 1986 Konstitusyon ng Pilipinas, ay: “Dapat itaguyod ng estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na makapaghanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan”.

Sa agrikultura nanggagaling ang mga hilaw na materyales at produkto kagaya ng hibla, panggatong, gamot, at maraming iba pa na kailangan para makagawa ng iba pang mga produkto.
Ilan sa mga kahalagahan nito ay:
- Pinagkukunan ng pagkain at pangkabuhayan.
- Pinagmumulan ng mga hilaw na materyales.
- Pinagkukunan ng mga kitang panlabas o salaping dolyar.
- Pinagmumulan ng hanapbuhay.
- Tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao.
Mga sektor nito:
- Pagsasaka
Ito ay nakatuon sa pagtatanim ng iba’t ibang mga uri ng halaman at mga pananim. Sa pagsasaka nagmumula ang mga pangunahing pagkain ng tao tulad ng bigas. Dito rin nakukuha ang iba pang mga pangunahing pananim ng bansa tulad ng mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. - Paghahayupan
Ito ay ang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ito ang sektor na nakakatulong sa ating pangangailangan sa karne at iba pang mga pagkain. Ang layunin nito ay paramihin ang bilang ng mga hayop para maibenta sa merkado sa mas mataas na halaga. - Pangingisda
Isa ang Pilipinas sa mga pangunahing tagatustos ng isda sa buong mundo bilang ang isa sa mga malaking daungan ng mga nahuling isda ay nasa bansa. Mayroong tatlong uri ang sektor na ito – komersiyal, munisipal, aquaculture.- Komersiyal – Ang uri ng pangingisda na gumagamit ng bangka na may kakayahang magdala ng higit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo.
- Munisipal – Ito ang uri ng pangingisda na hindi na kailangan pang gumamit ng fishing vessel. Maaring magdala ng tatlong tonelada o mas mababa pa.
- Aquaculture – Ito ang pag-aalaga ng mga isda sa iba’t ibang mga paraan o gamit ng tubig tulad ng tabang, maalat-alat, o maalat. Noong 2012, ang aquaculture ang nakatala ng pinakamalaking kabuuang produksyon ng isda.
- Paggugubat
Maraming suliranin ang kinakaharap ng sektor na ito tulad ng pagka-ubos. Sa sektor na ito nanggagaling ang pangunahing kailangan natin tulad ng troso, plywood, tabla, veneer, rattan, nipa, anahaw, kawayan, at marami pang iba na pinagkikitaan din ng karamihan.