Sinaunang Lipunang Pilipino – Mga Antas Panlipunan

Ito ang mga antas sa sinaunang lipunang Pilipino na nagpapakita ng pagkakaiba ng kanilang pamumuhay.

SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO – Ito ng iba’t ibang antas ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Pilipinas na nagpapakita ng pagkakaiba ng pamumuhay.

Pagtalakay sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan sa sinaunang panahon batay sa kanilang antas. Kilalanin ang mga namumuno sa lipunan, sino ang mg karaniwang tao, at ano ang tawag sa kanila batay sa kanilang antas.

Sinaunang Lipunang Pilipino

Mga Antas Panlipunan

  1. Maginoo at Datu
    Ito ang pinakamataas na antas nga tao sa Tagalog at Bisaya. Ang isang kasapi ng barangay ay maaring maging Datu batay sa kanyang katapangan, katalinuhan, pagmamana, o kayamanan. Ang yaman ay nasusukat sa pamamagitan ng dami ng kanyang alipin, dami ng kanyang ginto, at lawak ng kanyang katayuan sa lipunan.

    Ang isang Datu ay namumuno ng isang barangay. Siya ang napapatupad at gumagawa ng batas, naglilitis at nagpaparusa sa mga maysala, at kanyang ipinapasa ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak.

    Sa mga Maginoo, ginagamit ang salitang “Gat” o “Lakan” para magpakita o tanda ng paggalang at pagkilala sa kanila.
  2. Maharlika at Timawa
    Bagani ang tawag sa mga mandirigmang matatapang at mahuhusay na karaniwan ay galing sa pangkat ng mga Maharlika. Ang tungkulin ng mga Maharlika ay tulungan ang datu sa pagtatanggol ng mga tao at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lipunan. Wala silang pananagutan na magbayad ng buwis.

    Ang mga mandirigmang Bisaya ay makikilala sa pamamagitan ng mga tattoo sa kanilang katawan. Mas maraming tattoo, mas maraming tao ang kanilang napaslang. Ang mga mandirigmang Tagalog ay makikilala sa pamamagitan ng kanilang mga suot na pulang putong o ang maliit na tela sa kanilang ulo.

    Samantala, ang mga Timawa ay ang mga malalayang tao o mga taong lumaya mula sa pagkakaalipin. Kabilang sa pangkat na ito ay ang mga inaanak o inaapo ng Datu mula kanilang pangalawang asawa. Ang pangkat na ito ay nagmamay-ari ng mga lupain, nagbabayad ng buwis, at maaring lumipat sa ibang datu na nais paglingkuran. Ang mga naglilingkod sa datu ay hindi nagbabayad ng buwis at hindi nagta-trabaho sa bukid. Sa halip, sila ay kasama sa digmaan, tagasagwan ng bangka, kasama sa paglalakbay ng Datu, taga-tikim ng alak ng Datu, at marami pang iba.
  3. Alipin at Oripun
    Sa Tagalog, ang tawag ay alipin at sa Bisaya, ang tawag ay Oripun. Sila ang mga nasa pinakamababang antas ng lipunan. Ang isang tao ay nagiging alipin bilang kaparusahan sa isang krimen na kanyang nagawa at kawalan ng bayad para sa kasalanang ito. Ang taong tutubos sa krimen o pagkakautang ng taong ito ay siyang magiging panginoon ng alipin at ang mga batang ulila na walang kukupkop na kamag-anak ay magiging alipin din.

    Sa Tagalog, mayroong dalawang uri ng alipin: Aliping Namamahay at Aliping Saguiguilid.

    Aliping Namamahay ay may sariling bahay, hindi maaring ipagbili, nagbibigay ng taunang tributo, tumutulong sa paghahanda para sa paglalakbay lider, tumutulong sa pagdao ng mga pagtitipon, at maaring magkaroon ng ari-arian.

    Aliping Saguiguilid ay tumitira sa Datu. Maari silang bumukod kapag sila ay nag-asawa na at maging alipin tulad ng Aliping Namamahay. Sila ay tinuturing na pagmamay-ari ng amo, naglilingkod araw at gabi, hindi maaring magkaroon ng ari-arian, maaring ipagbili, at naglilingkod ng walang bayad.

Leave a Comment