Teknikal Na Pagsulat – Kahulugan, Layunin, At Mga Uri

Ano ang teknikal na pagsulat at ano ang mga saklaw nito?

TEKNIKAL NA PAGSULAT – Ito ang pagsulat na ginagamit upang maghatid ng impormasyon at ito ang mga uri nito.

Ano ang teknikal na pagsulat? Ito ang uri ng pagsulat na “ginagamit bilang komunikasyon sa pangangalakal at ng mga propesyunal para maghatid ng mga teknikal na impormasyon sa iab’t ibang uri ng mga mambabasa.” Ito ang pagsulat na sumasaklaw sa mga sulating may kinalaman sa komersyo o empleyo.

Teknikal Na Pagsulat

Mga Halimbawa:

  • Manwal ng operasyon (instruction manuals)
  • Pananaliksik sa agham o teknolohiya
  • Mga ulat sa laboratoryo
  • Proposal ng proyekto
  • Resumé o curriculum vitae (CV)

Ang tatlong mahahalagang layunin ng sulating ito ay ang mga sumusunod:

  • Nakapagbibigay ng mga impormasyon para makabuo ng desisyon.
  • May tiyak na resulta ng isang pag-aaral.
  • Makapanghikayat at maka-impluwensya sa pagbuo ng mga desisyon.

Ilan sa mga uri nito ay feasibility report, user manual, technical report, project proposal, and process documentation. Layon ng mga sulating ito magbigay ng mga malinaw na impormasyon, magturo kung paano gamitin ang isang bagay, mag-ulat ng resulta ng pananaliksik, magpaliwanag ng proses, at magbigay ng solusyon.

Ang mga sulating ito ay dapat na obhetibo, tiyak, maayos ang organisasyon, gumagamit ng teknikal na salita, at malinaw sa target na mga mambabasa.

Para makakuha ng atensyon, kailangan na ang pamamaraan ng pagsulat ay:

  1. May pag-asinta ang paksa at para makalikha ng mabuting sulatin.
  2. Kung anuman ang paksang napili, kailangan na masusing pagsasaliksik at pagtuklas para makapagtipon ng sapat na materyales at ebidensya. Makakapag-tipon ng mga impormasyon mula sa mga sources tulad ng dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu, at telebisyon.
  3. May hugis dapat ang sulatin matapos makapagkalap ng mga impormasyon.
  4. Bago matapos, kailangan na ang isang sulatin ay dumaan sa proseso ng pag-rebisa at mga pagbabago para maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Leave a Comment