Tekstong Argumentatibo At Mga Uri Ng Maling Pangangatwiran

Alamin kung ano ang tekstong argumentatibo at mga maling paraan sa paggamit nito.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO – Ito ang uri ng teksto na nangangatwiran pero batay sa katotohanan at ito ang mga maling paraan sa paggawa nito.

Ang layuning ng isang tekstong argumentatibo ay manghikayat ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pangangatwiran na batay sa katotohanan. Ano ang ikinaiba nito sa tekstong persweysib? Ang persweysib ay manghikayat at mangumbinsi ng mga mambabasa pero sa pamamagitan ng personal na opinyon ng may-akda. Sa kabilang banda, ang argumentatibo ay batay sa katotohanan, isang pangangatwiran na may matibay na ebidensya para mapatunayan ang kanilang ipinaglalaban.

Tekstong Argumentatibo

Ang komposisyon ng tekstong ito ay paksa (kung bakit ito isinulat), gitna o katawan (binibigyang liwanag ang argumento gamit ang mga ebidensya, datos, istatistika, at iba pa), at wakas (kung saan naipapakita ang kabuuang punto ng teksto).

Mga maling uri ng pangangatwiran

  1. Argumentum Ad Hominem
    Ang pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng katunggali.
  2. Argumentum Ad Baculum
    Paggamit ng pwersa o awtoridad para maiwasan ang isyu.
  3. Argumentum Ad Misericordiam
    Paggamit ng mga salita na umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan para makuha ang emosyon ng mga mambabasa o mga nakikinig.
  4. Non-Sequitur
    Ito ay “It doesn’t follow” sa Ingles at ito ang pagbibigay ng wakas kahit na walang kaugnay na batayan.
  5. Ignoratio Elenchi
    Ang pagpapaligoy-ligoy o “circular reasoning”.
  6. Maling Paglalahat
    Ito ang pagbibigay konklusyon tungkol sa pangkalahatan na nag-uugat sa isang sitwasyon lamang.
  7. Maling Paghahambing
    Naghahambing pero sumasablay kaya kadalasan, ito ay tinatawag na “usapang-lasing”.
  8. Maling Saligan
    Ito ang pangangatwiran sa isang maling akala na naging batayan at nagtuloy-tuloy sa isang konklusyon na wala sa katwiran.
  9. Maling Awtoridad
    Ito ang pagsasabi ng isang tao na wala namang kinalaman sa isyu o argumento.
  10. Dilemma
    Paglalahad ng dalawang pagpipilian na akala mo ay iyon na lamang ang mga paraan at wala nang iba.

Basahin ang halimbawa ng isang argumentatibo para malaman.

Leave a Comment