Ito ang isang halimbawa ng tekstong argumentatibo. Basahin at pag-aralan.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO HALIMBAWA – Ito kang uri ng teksto na ginagamit upang maghahayag ng opinyon o pananaw sa isang paksa.
Isa sa mga uri ng teksto na ginagamit sa kadalasan ay ang tekstong argumentatibo kung saan ito ay nagpapahayag ng paniniwala, pagkukuro-kuro, at pananaw na tungkol sa isang bagay o paksa na mahalaga. Katulad ng ibang teksto, ito ay binubuo ng isang pamagat, panimula, katawan, at konklusyon.
Sa pangangatwiran, mayroon iba’t ibang paraan tulad ng pagsusuri, pagtukoy sa sanhi, pagbuod, at paraang pasaklaw. Para maging maganda ang isang teksto ng ganitong uri, kailangan na ang paksa ay mahalaga at napapanahon, maiksi pero malaman at malinaw sa unang talata, lohikal, may maayos na pagkakasunod-sunod, at naglalaman ng matibay na ebidensya na tungkol sa argumento.
Ang layunin nito ay hindi lamang magbigay ng argumento kundi pati na rin ang magbigay-katwiran at patunayan ang ng nasabing opinyon. Nanghihikayat ito ng mga mambabasa na tanggapin ang argumentong inilalahad sa pangangatwiran.
Basahin ang isang halimbawa sa ibaba:
DROGA SA KABATAAN?
ni Cristine Castillo
Isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay ang kasalukuyang hindi maayos na gawain ng mga kabataan. Mga gawang pawing nakakasira sa harapan ng iba katulad na lamang ng masasamang bisyo. Ang pagkalat at pagpapabaya sa mga naiwang problema ay nagiging sanhi o mas lalo pang nagiging malaki itong problema na siyang kakalat pa sa marami.
Marami na akong nalalaman tungkol sa masamang gawaing gawa ng mga kabataan. dahilan na ng mga balitang naririnig ko sa telebisyon at radio. Isa na rito ang pagkalulong sa droga. Ngunit masama ba talaga ito sa tao?
Pagkalulong sa droga. Marami tayong nababalitaan na nangyayari na tumutukoy sa masamang bisyong ito. Maraming namamatay araw-araw dahil sa pagpatay sa mga lulong sa bisyong ito. Oo, at naniniwala na ako na sobrang masamang-masama na ang naidudulot ng ilegal na droga sa kabataan ngayon ay nakakagawa tayo ng maling gawain. Hindi maayos ang nagiging laman ng ating isip at lalong-lalo na hindi sumasang-ayon sa tama ang tibok ng puso. Sa katunayan,ang droga, isa na itong kadahilanan kung kaya’t hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga bata sa bansa. Ang ilan ay nalulong na rito at pawang dito na lamang nakatuon ang kanilang mga isip at pansin. Ang droga ay masama dahil ginagawa niya tayong pabaya sa mga baga-bagay na dapat nating gawin.
Ngunit mayroon nagsasabi na hindi delikado ang paggamit ng droga. Ang droga ay nakaka adik lamang ngunit wala pang patunay na masama ito sa atin. Ang mga sumusulpot na balitang katulad nito ay mga bagay-bagay lamang na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang epekto.
Oo, marahil isipin ng iba na magulo ang sitwasyon ngayon tungkol rito. May mga positibo at negatibong ebidensya pero hindi pa ito maayos napapatunayan. Ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito ay mabuti ay nakakaadik at nagiging masama lamang ito dahil sinasabing nakakasira ng buhay. Sabi nga nila, lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi gawi at nakasanayan na nila ito.