Basahin ang halimbawa ng tekstong deskriptibo at ang mga bahagi nito.
TEKSTONG DESKRIPTIBO HALIMBAWA – Basahin ang halimbawa ng uri ng tekstong ito at himayin ang pagkakaiba nito sa iba.
Ang isang teksto may iba’t ibang at isa sa mga uri ng teksto ay ang tekstong deskriptibo. Ang uri na ito ay naglalayon na maglarawan ng mga tao, lugar, bagay, o pangyayari sa paraang detalyado at masining. Ito ay nagbibigay-buhay sa mga konspeto at ideya gamit ang mga makikita, maririnig, maaamoy, at madadama.
Ang layon nito ay magbigay-buhay, mag-udyok, magbigay ideya, at maglarawan na magpupukaw ng interes at imahinasyon ng mga mambabasa. Mayroong dalawang paraan para sa paglalarawan – karaniwan at masining.
Para sa mas masining na paglalarawan, ang mga tayutay ay ginagamit kagaya ng mga sumusunod:
- Simile o Pagtutulad
- Metapora o Pagwawangis
- Personipikasyon o Pagsasatao
- Hayperboli o Pagmamalabis
- Onomatopeya o Paghihimig
Ito ang isang halimbawa ng deskriptibo:
Maganda si Eva. Hugis mamon ang kanyang mukha at may mamula-mulang pisngi at labi. Siya rin ay may dimples at may matangos na Ilong. Ang kanyang mga kilay ay makapal at ang kulay ng mata niya’y berde. Mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang balikat na kinulayan niya ng asul. Siya ay matangkad at may balingkinitang katawan.
Iba pang mga halimbawa:
Tungkol sa ispesyal na araw:
Ang araw na ito ay puno ng kasiyahan at pag-asa. Ang langit ay malinis at mapanlinlang na asul, at ang araw ay kumikinang sa kalangitan. Ang mga tao ay may mga ngiti sa kanilang mga labi, at ang hangin ay amoy bulaklak. Ang mga bata ay naglalaro sa mga kalsada, at ang mga pamilya ay nagkakasama para sa masayang pagdiriwang. Ito ang araw na hindi malilimutan ng sinumang naroroon.
Tungkol sa lumang bahay
Ang isang lumang bahay ay may mga katangian na pangit man sa mata pero puno naman ng kasaysayan at magagandang istorya. Hindi na ito matibay pero ang relasyon at pagmamahalan na nabuo sa loob nito ay kasingtibay ng kongkreto na pundasyon nito. Ang papag na maingay ay minsan nang naupuan ng mga magkakapatid na may maiingay na tuksuhan at halakhakan. Ito ay isang lugar ng mga alaala at pagmamahalan.