Tekstong Deskriptibo – Mga Elemento At Uri Nito

Ano ang tekstong deskriptibo? Ano ang mga uri at mga elemento nito?

TEKSTONG DESKRIPTIBO – Ito ang uri ng teksto na naglalarawan gamit ang pang-amoy, panlasa, pandinig, at pansalat.

Ang tekstong deskriptibo ay nagpapahayag ng paglalarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, pangyayari, at iba pa. Ito ay maihahalintulad sa pagpipinta pero sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita at pagguhit gamit ng mga kataga. Kalimitan, ito ay ginagamitan ng mga matatalinhagang pahayag tlad ng tayutay o idyoma. Ang mga detalye ay iniaayon sa pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa.

Tekstong Deskriptibo

Mga elemento o paraan ng paglalarawan:

  • Karaniwang Paglalarawan
    Ang paraan kung saan ang paglalarawan ay tahasan gamit ng mga pang-uri at pang-abay. Ang paglalarawan ay ayon sa obserbasyon ng pisikal na katangian.
  • Masining na Paglalarawan
    Ito ang paraan kung saan ang paglalarawan ay idinaan sa malikhaing paraan para ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay o karanasan sa mga mambabasa o tagapakinig.

Sa masining na paglalarawan, ito ay ginagamitan ng mga tayutay para mas lalong mapaganda ang mga salita.

  1. Simile o Pagtutulad – ang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo’y, at katulad.
  2. Metapora o Pagwawangis – ang tuwirang paghahambing na hindi na kailangan pang gamitan ng mga salita na nagpapahayag ng pagtutulad.
  3. Personipikasyon o Pagsasatao – ang paglalapat ng mga katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay
  4. Hayperboli o Pagmamalabis – ito ang paglalarawan na eksaherado o sobra-sobra.
  5. Onomatopeya o Paghihimig – ang paglalarawan gamit ang mga tunog ng bagay na inilalarawan.

Mga uri:

  • Subhektibo
    Ang sumulat ay ibinatay ang paglalarawan sa kanyang imahinasyon at hindi sa katotohanan.
  • Obhektibo
    Ang paglalarawan ay may pinagbatayan na makatotohanan.

Para sa isang malinaw na paglalarawan, dapat ito ay binubuo ng apat na mahalagang kasangkapan: ang wika, maayos na detalye, pananaw na paglalarawan, at impresyon.

Basahin ang halimbawa ng isang deskriptibo para malaman.

Leave a Comment