Basahin ang mga halimbawa ng tekstong impormatibo at alamin kung paano ito gawin.
TEKSTONG IMPORMATIBO HALIMBAWA – Basahin ang mga iba’t ibang halimbawa ng ganitong uri ng teksto at ang komposisyon nito.
Ang isang teksto ay isang babasahin kung saan ang mga detalye tungkol sa isang paksa ay napapaloob. Mayroong iba’t ibang uri ng teksto at ang bawat uri at naayon sa layon na nais ipahiwatig ng may-akda. Isa sa mga uri ay ang tekstong impormatibo. Ito ang uri na nagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pang maaring maging paksa na kawili-wili o ayon sa interes ng isang grupo ng mga mambabasa.
Ang isang tekstong impormatibo ay may tatlong uri: paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan; pag-uulat pang-impormasyon; at pagpapaliwanag. Ito ay binubuo ng tatlong elemento tulad ng layunin ng may-akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, at paggamit ng mga estilo tulad ng paggamit ng mga nakalarawang representasyon, pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita, at pagsusulat ng mga talasanggunian.
Ang mga halimbawa nito ay makikita sa mga pahayagan, balita, magasin, textbook, encyclopedia, mga website sa internet, at iba pa. Sa isang teksto, may iba’t ibang paraan para mabigyang diin ang nais ipahiwatig ng manunulat sa mga mambabasa at ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, at paglagay ng “panipi” sa mga ideya na mahahalaga.
Basahin ang isang halimbawa:
Ito ay isang teksto na isinulat ni Lhemuel M. Belleza na ang pamagat ay “Sa Facebook”
“Sa Facebook”
Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao— ang Facebook. Mapabata man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila magtungo.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social networking website na pinapatakbo at pag aari ng Facebook, Inc., na isang pampublikong kompanya. Dito, maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks), na isinasalarawan ang mga kasapi nito.
Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano man ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha na may #No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong barkada na may #friendship forever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende kung anong klase ng pribasya ang pinili mo.
Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan,kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG.