Tekstong Impormatibo – Mga Elemento At Uri Nito

Alamin ang kahulugan ng tekstong impormatibo at mga uri nito.

TEKSTONG IMPORMATIBO – Pag-aralan ang kahulugan ng ganitong uri ng teksto at mga elemento na bumubuo dito.

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahin na di-piksyon. Ito ay naglalayon na magbigay ng impormasyon at magpaliwanag ng malinaw tungkol sa isang paksa. Ito ay walang halong opinyon, pawang katotohanan lamang na sumasagot sa tanong na ano, sino, at paano.

Tekstong Impormatibo

Para maging mas malawak ang akda, ang manunulat ay gumagawa ng pananaliksik para sumulat ng mga impormasyon na ayon sa datos at hindi nagpapakita ng pagpabor o pagkontra sa paksa.

Mga uri:

  • Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan – ito ang mga pangyayari na totoong naganap sa isang panahon o pagkakataon na maaring personal na nasaksihan ng manunulat o mula sa mga historial accounts.
  • Pag-uulat pang-impormasyon – ito ay naglalahad ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga tao, hayop, at iba pa na nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
  • Pagpapaliwanag – ito ay naglalayon na magbahagi kung paano at bakit naganap naganap ang isang pangyayari.

Mga elemento:

  • Layunin ng may-akda
    Ang mga manunulat ay may iba’t ibang layunin sa pagsulat tulad ng pagpapalawak ng kaalaman sa isang paksa, maunawaan ang pangyayaring mahirap ipaliwanag, bagong kaalaman, at iba pa.
  • Pangunahing Ideya
    Ang uri ng teksto na ito ay dagliang nilalahad ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi para matukoy agad ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng kanilang babasahin.
  • Pantulong na Kaisipan
    Ito ay isang mahalagang bahagi ng isang akda at dapat ay angkop ang detalye sa pangunahing ideya.

Mayroong iba’t ibang istilo sa pagsulat ng mga bagay na nais bogyang-diin sa isang sulatin. Una ay ang paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon tulad ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang mas mapa-ibayo ang pagpapaliwanag.

Pangalawa ay ang pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto tulad ng pagsulat na nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” para makita ng mambabasa agad ang nais mong bigyang-diin na ideya.

Ang pagsulat ng mga talasanggunian ay isang istilo para mapatotohanan na ang impormasyong inilagay ay batay sa katotohanan. Basahin ang halimbawa ng isang impormatibo para malaman.

Leave a Comment