Magbigay ng isang halimbawa ng tekstong naratibo at alamin ang komposisyon nito.
TEKSTONG NARATIBO HALIMBAWA – Ito ang isang halimbawa ng ganitong uri ng teksto at ang mga elemento na bumubuo nito.
Ang tekstong naratibo ay isa sa mga iba’t ibang uri ng teksto. Para sa kaalaman ng lahat, ang isang teksto ay nauuri ayon sa layunin ng manunulat. Mayroong nagpapaliwanag, nagbibigay panuto, at iba pa pero sa araling ito, tatalakayin natin ang naratibo. Ito ang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukwento na may pagkakasunod-sunod tungkol sa isang tao, bagay, hayop, at iba pang paksa.
Ito ay may dalawang uri:
- Makatotohanan o non-fiction
- Hindi makatotohanan o fiction
Ang mga elemento nito ay tauhan, tagpuan, banghay, pamamaraan ng narasyon, at tema.
Mga halimbawa:
- maikling kwento, nobela, mito, kwentong bayan at alamat
- anekdota
- talambuhay
- pelikula, aklat o palab
Mga iba’t ibang pananaw o punto de vista (point of view):
- Unang Panauhan
- Ikalawang Panauhan
- Ikatlong Panauhan
- Maladiyos na panauhan
- Limitadong panauhan
- Tagapag-obserbang panauhan
- Kombinasyong Pananaw o Paningin
Basahin ang mga halimbawa:
Si Juan at ang kanyang mga Paboritong Chichirya
Mahilig kumain ng chichirya si Juan kung kaya’t kadalasan ay hindi ito kumakain ng tanghalian at hapunan. Palagi siyang pinaaalahanan ng inang si Aling Meding tungkol rito pero balewala lang sa bata.
Isang araw, biglang sumakit ang tiyan ni Juan at dinala siya ng ina sa ospital. Pagkatapos mapatingnan sa doktor ang anak ay pinagkasya na lang ni Aling Meding ang pera sa gamot at ulam nila.
Subalit, hindi pa rin natinag si Juan sa pagkain ng mga paborito niyang chichirya. Isang araw, halos hindi na siya makalakad sa sakit ng tiyan niya at isinugod siya sa ospital.
Si Bb. Lucia at ang mga Mag-aaral ng Klaseng Sampaguita
Mahal na mahal ni Bb. Lucia ang kanyang mga mag-aaral sa klase Sampaguita. Totoong anak na ang turing niya sa mga ito. Sila ang mga itinuturing niyang pamilya sapagkat wala siyang asawa’t anak.
Isang araw, nagkasakit si Bb. Lucia. Maraming gawain ang kapatid kung kaya’t hindi siya mababantayan nito sa ospital. Sa araw na iyon at sa iba pang mga araw, pinaramdam ng mga mag-aaral niya ang pagmamahal nila sa kanya.
Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko
Isa si Kiko sa mga mag-aaral na napiling dalhin ng grupo ng mga negosyante sa shopping mall upang ipamili ng pamasko. Ito kaugnay sa adbokasiya nilang #PaskoMoSagotKo.
Pagdating sa pasyalan, napansin ng isa sa mga negosyante na hindi namimili ng mga laruan si Kiko ‘di kagaya ng ibang mga bata. Tinanong siya nito at agad naman niyang sinabi ang kanyang mga munting hiling.