Aralin kung ano ang tekstong naratibo at mga katangian nito.
TEKSTONG NARATIBO – Pag-aralan ang isang uri ng teksto na nagkukuwento o nagsasalaysay ng isang pangyayari.
Ang isang tekstong naratibo ay isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukwento ng mga pangyayari na nangyari sa isang tao o mga tauhan sa isang lugar at panahon. Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang sa wakas. Ang pangunahing layunin nito ay magsalaysay ng mga pangyayari na nakakaaliw o nakakalibang.
Ang dalawang uri nito:
- Makatotohanan o non-fiction
Mga totoo o tiyak na kwento tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari. Halimbawa nito ay ang kasaysayan, dokumentaryo, talaarawan, dyornal, talambuhay, autobiography, lathalain, at memoir o alaala.
- Hindi makatotohanan o fiction
Ito ang mga kwento na pawang kathang-isip lamang. Ang mga detalye ay bunga ng mayamang imahinasyon ng manunulat katulad ng maikling kuwento, kuwentong fantastiko, dagli, alamat, mitolohiya, pabula, nobela, parabula, at anekdota.
Mga iba’t ibang pananaw o punto de vista (point of view):
- Unang Panauhan
- Ikalawang Panauhan
- Ikatlong Panauhan
- Maladiyos na panauhan
- Limitadong panauhan
- Tagapag-obserbang panauhan
- Kombinasyong Pananaw o Paningin
Mga elemento:
- Paksa
– ang bagay o ideya na pinag-uusapan ng teksto - Banghay
– ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - Panahon at tagpuan
– ang oras at panahon kung kailan nangyayari ang kwento na maaring higit sa isa - Tauhan
– ang mga gumaganap sa kwento at sila ay maaring isa o higit pa - Tunggalian
– ito ang umiiral na isyu o suliranin sa kwento na nagiging balakid sa daloy nito.
Para sa isang magandang teksto, ito ang mga sangkap na bumubuo nito:
- Magandang pamagat na orihinal ay hindi pangkaraniwan.
- Mahalagang paksa na pinag-uusapan sa teksto at ang kaisipan na nangingibabaw na maaring tuwiran o hindi tuwirang tinatalakay.
- Ang kawili-wiling simula na aakit sa mambabasa o mga nakikinig.
- May maayos na pagkakasunod-sunod para maging malinaw at kapana-panabik ang kwento.
- May kawili-wiling wakas.
Basahin ang halimbawa ng isang naratibo para malaman.