Ano ang tekstong persweysib at ang mga katangian nito.
TEKSTONG PERSWEYSIB – Alamin at pag-aralan ang uri ng teksto na ito mula sa elemento patungo sa mga katangian nito.
Ang layunin ng isang tekstong persweysib ay manghikayat at mangumbinsi ng mga mambabasa. Ang uri ng teksto na ito ay nais na baguhin ang takbo ng isip ng mga mambabasa tungkol sa isang bagay at kumbinsihin sila na ang nakasulat sa akda ang siyang tama. Hinihikayat nila ang mga tao na maniwala sa pinaniniwalaan ng teksto. Ang manunulat ay malayang nahahayag ang kanyang paniniwala at may kinikilingan na panig na tungkol sa isang isyu.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa mga patalastas, mga propaganda sa eleksyon, networking, at iba pa. Ilan sa mga katangian ng tekstong ito ay may subhetibong tono at personal na opinyon ng may-akda ang niloloob.
Ayon kay Aristotle, ito ang tatlong elemento ng paghihikayat:
- Ethos – Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita
- Logos – Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita
- Pathos – Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig
Ang mga propaganda devices
- Name-Calling
Ito ay kadalasan na ginagamit sa politika kung saan nagbibigay ng hindi magandang puna ang isang partido tungkol sa isa. - Glittering Generalities
Ito ang mga magagandang pahayag tungkol sa isang bagay na tumutugon sa mga pangangailangan at pagpapahalaga ng mga mambabasa. - Transfer
Ang paggamit ng isang sikat na tao upang mahawa o mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. - Testimonial
Kung saan ang isang tao na sikat ay tuwiran na ini-endorso ang isang tao o produkto. - Plain Folks
Ito ay ang paggamit ng mga ordinaryong tao upang maghikayat. - Card Stacking
Ito ang pagpapakita ng lahat ng mga magagandang katangian ng isang tao o produkto pero hindi binabanggit ang mga hindi magandang katangian nito. - Bandwagon
Ito ang paghihikayat ng isang tao na gumamit na o sumali dahil marami na ang gumagamit o sumali.
Basahin ang halimbawa ng isang persweysib para malaman.