Tekstong Prosidyural – Ano Ito At Ang Mga Elemento Nito

Ano ang tekstong prosidyural at ang mga uri nito?

TEKSTONG PROSIDYURAL – Ito ang teksto na nagbibigay ng panuto o direksyon kung paano gawin ang isang bagay at ito ang mga uri nito.

Mayroong iba’t ibang uri ng teksto na naayon sa layon nito at ang tekstong prosidyural ay ang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon o direksyon kung paano gawin ang isang bagay o gawain. Ito ay naglalayon na ipabatid ang mga wastong hakbang at mga gawain na dapat isagawa para makuha ang nais ng resulta at maisagawa ng maayos ang isang gawain.

Tekstong Prosidyural

Ito ay nagagamit sa iba’t ibang mga pagkakataon tulad ng pagpapaliwanag kung paano paganahin ang isang bagay, ipaliwanag ang mga hakbang kung paano gawin ang isang bagay tulad sa pagluluto, at paglalarawan kung paano makukuha o makamit ang mga ninanais sa buhay.

Mga uri:

  • Paraan ng pagluluto o Recipes
    Ito ang uri na nagbibigay panuto kung paano gawin ang isang ulam o pagkain.
  • Panuto o Instruction
    Ito ang gabay ng mga mambabasa kung paano gawin o likhain ang isang bagay.
  • Panuntunan sa mga laro o Rules of Games
    Ang mga gabay na para sa manlalaro na dapat nilang sundin.
  • Manwal
    Ito ang gabay kung paano gamitin, paganahin, at patakbuhin ang isang bagay at ito ay kadalasang makikita sa mga appliances, computers, at iba pa.
  • Mga Eksperimento
    Ito ang pagtuklas ng mga hindi pa natin alam at sa paggawa nito, mahalaga na maisulat ang mga hakbang sa wika na madaling intindihin para sa ligtas na pagsasagawa ng eksperimento.
  • Pagbibigay Ng Direksyon
    Ang gabay na magtutukoy ng tamang daan patungo sa destinasyon na nais nating tunguhin.

Paano mabuo ang tekstong ito?

  • Pamagat – nagbibigay ng ideya kung ano ang gagawin
  • Seksyon – ang buod ng nilalaman para hindi malito ang mga mambabasa
  • Subheading – ang pamagat ng seksyon para ipahaiwatig kung anong parte ito sa isang teksto
  • Mga larawan – ito ay ginagamit kapag may mga bagay na tinatalakay na mahirap ipaintindi gamit ang mga salita

Ang mga pangunahing bahagi:

  • Layunin na sumasagot sa tanong na “paano” at tinutukoy ang dapat na maging resulta matapos gawin ang nasa prosidyur.
  • Mga kagamitan o mga sangkap na dapat gamitin para masagawa ang mga hakbang ng maayos at wasto.
  • Mga hakbang para sa pagkakasunod-sunod kung paano gawin ang isang gawain.
  • Konklusyon na nagbibigay gabay sa mga mambabasa kung paano maisasakatuparan ng mabuti ang mga hakbang.

Basahin ang halimbawa ng isang prosidyural para malaman.

Leave a Comment