Ito ang isang halimbawa ng tekstong prosidyural. Basahin at pag-aralan.
TEKSTONG PROSIDYURAL HALIMBAWA – Ito ang uri ng teksto na may hakbang o panuto na sinusunod ng mga mambabasa.
May iba’t ibang uri ang isang teksto at ang mga uri ay naaayon sa layon at nais ipabatid ng may-akda. Isa sa mga uri nito ay ang tekstong prosidyural kung saan ang niloloob nito ay ang mga hakbang o proseso para magpaunawa sa mga mambabasa at para matiyak na tama ang paggawa ng isang gawain. Ito ay isang malaking tulong para matutunan ng mga tao ang isang bagong kasanayan.
Mga uri nito:
- Paraan ng pagluluto o Recipes
- Panuto o Instruction
- Panuntunan sa mga laro o Rules of Games
- Manwal
- Mga Eksperimento
- Pagbibigay Ng Direksyon
Ang mga hakbang ay nararapat na malinaw at magbigay ng impormasyon para matagumpay na magawa ang isang layunin. Ito ay binubuo ng mga bahagi tulad ng pamagat, pamagat ng hakbang, mga hakbang, mga kasanayan o kagamitan, mga paalala, at mga sumusunod na hakbang.
Ito ang isang halimbawa:
Paano Magluto ng Adobong Manok
Hakbang: Paghahanda ng mga Sangkap
- Maghanda ng 1 kilong manok, 1/2 tasa ng suka, 1/4 tasa ng toyo, 1 sibuyas, at 5 butil ng bawang.
- Hiwain ang manok sa mga malalaking piraso.
- Balatan at hiwain ang sibuyas at bawang.
- Maghanda ng sili at dahon ng laurel.
Mga kagamitan: Maghanda ng kutsilyo, kaldero, at kawali.
Paalala: Magdagdag ng patis o bawang para sa mas malasang adobo.
Paraan ng pagluluto:
- Igisa ang bawang sibuyas pagkatapos ihalo ang manok. Sangkotsahin para magmaghalo ang lasa ng bawang at sibuyas sa manok.
- Lagyan ng suka at hayaang pakuluin ng limang (5) minuto para maalis ang lansa.
- Lagyan ng toyo at tubig na ang dami ay ayon sa nais mo at ilagay ang sili at dahon ng laurel at pakuluin.
- Kung maalat, lagyan ng asukal.