Ano ang mga teorya ng wika na nalathala o napalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig?
TEORYA NG WIKA – Ano ang mga iba’t ibang konsepto at teorya na nagpapaliwanag kung paano nagsimula ang wika?
Ano ang wika? “Ito ay ang isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ang wika ay inilalarawan din bilang pakikipagtalastasan. Ito ay kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Nagagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot o pagbabahagi ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.”

Maraming palagay ang mga tao kung paano, saan, at bakit nagsimula ang wika. Hindi pa natutuklasan ang sagot pero marami ang mga teorya at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Teoryang Bow-wow – ginagaya ang tunog ng mga hayop at tunog ng kalikasan at paligid.
- Teoryang Ding-dong – lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan sa nasabing bagay.
- Teoryang Pooh-pooh – ayon sa teoryang ito, unang natutong magsalita ang tao ng hindi sinasadya dulot ng mga masidhing damdamin.
- Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay – ang wika ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga ritwal na sinasabayan ng awit, sayaw, incantations, o bulong.
- Teoryang Sing-song – iminumungkahi na ang mga naunang salita ay musikal at mahahaba.
- Teoryang Biblikal – Genesis 11:1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita
- Teoryang Yo He Ho – pagbuo ng mga salita mula sa paggawa ng mga gawaing pisikal.
- Teoryang Ta-ta – nangahulugang itong paalam na ginagawa sa pamamagitan ng pagkampay ng mga kamay nang pababa at pataas tulad ng pagtaas at pagbaba ng dila kapag ito ay binibigkas.
- Teoryang Mama – pinapalagay na ang wika ay nagsimula sa pinakamadaling pantig ng mga pinakamahahalagang mga bagay.
- Teoryang Hey you! – teoryang mula sa linggwistang si Revesz na sinabi na ito ay mula sa interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa.
- Teoryang Coo coo – tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda
- Teoryang Babble Lucky – nagmula ang wika sa mga bulalas ng mga tao na walang kahulugan.
- Teoryang Hocus Pocus – nanggaling ang wika mula sa mahikal na aspeto na pamumuhay ng mga ninuno.
- Teoryang Eureka! – ang sadyang pag-imbento ng mga tao sa wika.